MAKIKIPAGLIBING si Pangulong Rodrigo Duterte kapag inihimlay sa Libingan ng mga Bayani si dating Presidente Ferdinand Marcos sa kabila nang pagbatikos ng ilang grupo’t personalidad.
“If I’m in good health and no pressing matters to attend to, I might,” anang Pangulo sa isang press conference Cebu Pacific Cargo Terminal sa Pasay City nang tanungin kung makikipaglibing sa pamilya Marcos.
Giit niya, pabor siyang ilibing sa LNMB si Marcos hindi dahil siya’y bayani kundi naging presidente at sundalo.
Nang maluklok sa Palasyo ang Pangulo ay nangako siyang ipatutupad ang mga batas.
“Here is a family whose father or husband was a former soldier. Maybe it’s true that he’s not a hero. But the law says he should be buried there, anang Pangulo.
“Whether it is to the liking of the majority of the Filipinos, whether they fine me obnoxious for allowing it, that’s the law. We have to enforce the law,” aniya.
Ngunit kung ano man, anang Pangulo, ang magiging desisyon ng Korte Suprema sa petisyong inihain laban sa paglibing kay Marcos sa LNMB ay tiniyak ng Pangulo na susundin niya.
Papayagan din niya ang mga kilos-protesta laban sa Marcos’ burial sa LNMB pero dapat ipaalam sa awtoridad ng mas maaga upang maayos ang daloy ng trapiko sa mga lugar na pagdarausan ng rally.
( ROSE NOVENARIO )