Tuesday , April 22 2025

CPP-NDF panel abala sa peace talks

081816 NDF CPP NPA
DALAWANG araw bago pormal na magsimula ang usapang pangkapayapaan sa Oslo, Norway, pinalaya ang apat na kabilang sa National Democratic Front Philippines (NDFP) peace consultants na sina Alan Jazmines, Ernesto Lorenzo, Renante Gamara at Tirso Alcantara mula sa Special Intensive Care Area 1 Jail, Camp Bagong Diwa, Taguig City.

SAGOT ng Royal Norwegian Government (RNG) ang lahat ng gastusin ng mga kinatawan ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa paglahok nila sa peace talks sa Oslo, Norway.

Sinabi ni dating Bayan Muna representative at NDF panel member Satur Ocampo bilang third party facilitator, ang RNG ang gagasta para sa transportation at accommodation ng mahigit 20 NDF consultants na kasali sa peace talks.

“Ang piyansang ilalagak sa hukuman para sa paglaya ng NDF consultants ay pagtutulungan ng human rights groups at kani-kanilang pamilya,” ani Ocampo.

Hanggang kahapon, abala ang human rights groups at government lawyers sa pag-aasikaso sa pagpapalaya ng mga detenidong NDF consultants gaya ng mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon, Tirso Alcantara, Alan Jasminez, Ernesto Lorenzo, at Renanta Gamara.

Isinusulat ang balitang ito, pinalaya na sina Alcantara, Jasminez, Lorenzo, at Gamara.

Isang senyales umano na gumaganda  ang panahon para sa peace talks ayon sa NDF.

Naudlot ang itinakdang press conference ng Karapatan human rights group kahapon ng umaga para sana sa NDF consultants ngunit hindi natapos ang dokumento sa iba’t ibang hukuman.

Inaasikaso rin ng ilan sa panellist na matanggal ang kanilang mga pangalan sa hold departure order (HDO) sa Bureau of Immigration para makabiyahe patungong Oslo bago magsimula ang peace talks sa Agosto 20.

Kasama sa mga inaasahang makakasama sa peace talks at protektado ng Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG) sina Concha Araneta Bocala, Adelberto Silva, Ruben Saluta, Jaime Soledad, Kennedy Bangibang, Loida Magpatoc, Reynante Gamara, Alfredo Mapano, Emeterio Antalan, Leopoldo Caloza, Eduardo Sarmiento, Ernesto Lorenzo, Pedro Codaste, Porferio Tuna, Eduardo Genelsa, Ariel Arbitrario, Renato Baleros, Sr. at Edgardo Friginal.

Ikinatuwa ng Palasyo ang pahayag ng pasasalamat ni CPP founding chairman Jose Ma. Sison kay Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa pagpapalaya sa NDF consultants at matibay nilang pagkakaibigan.

Tiniyak ni Communications Secretary Martin Andanar na magiging transparent ang Pangulo sa mga magiging kaganapan sa peace talks kahit na malapit siya kay Sison.

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

Ngayong Semana Santa
TRABAHO Partylist, kaisa ng mga manggagawa Giit, karampatang holiday pay at benepisyo

SA GITNA ng paggunita ng sambayanang Filipino sa Semana Santa, ipinahayag ng TRABAHO Partylist ang …

Philanthropist Cecille Bravo binigyan ng laptop dalagang may Chronic Kidney Diseased

Philanthropist Cecille Bravo binigyan ng laptop dalagang may Chronic Kidney Diseased

MATABILni John Fontanilla HINDI naiwasang maiyak ng Phililanthropist and Businesswoman na si Ms Cecille Bravo nang ibigay ang …

ER Ejercito Comelec

Overspending case ni dating Laguna Gob ER Ejercito ibinasura na ng Comelec En Banc

DINISMIS na sa wakas matapos ang 12 taon ng Commission on Elections (COMELEC) En Banc ang kasong …

Sarah Discaya

Kampo ni Sarah Discaya, Mariing Itinanggi ang Anumang Paglabag sa Batas Kaugnay ng Isyu sa British Passport

MAYNILA — Nilinaw ng legal counsel ni Pasig City mayoral candidate Sarah Discaya na wala …

Blind Item, Mystery Man, male star

Hunk actor suki sa mga political rally kahit ‘di feel ng publiko

I-FLEXni Jun Nardo MAINSTAY na yata ang isang hunk actor na paminsan-minsan eh kumakanta rin sa political …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *