TAHIMIK at hindi kumalat ang balita nang patayin sa pamamagitan ng pagbaril ng isang tauhan ng pulis SWAT ang isang ‘striker’ ng mga pulis, matapos na ireklamo sa barangay isang linggo na ang nakalilipas.
***
Ang striker na ‘pinatay’ ay isang alyas Taga na utusan ng mga tauhan ng Station Investigation and Management Bureau ng Pasay City Police. Isang buwan pa lamang umaaktong utusan si Taga sa nasabing dibisyon at kalalaya lamang sa National Bilibid Prison sa Muntinlupa .
***
Nagtangka umanong magnakaw si Taga sa tapat ng opis ng SWAT at inireklamo sa sakop na barangay. Nakita sa CCTV ang tangkang pagnanakaw ni Taga. Hindi naman nagawang magnakaw dahil hindi nakapasok sa kanyang pagnanakawan. Nakilala siya sa payong at tsinelas niyang naiwan.
***
Mula sa barangay hall, dinala umano ng isang pulis ng SWAT na may apelyidong Fortuna habang nagmakaawa pa raw si Taga na doon siya dalhin sa Investigation Division, ngunit dalawang putok ng baril ang narinig sa opis ng SWAT. Kasu-nod nito nakitang duguan si alyas Taga.
***
Sa bibig ng ilang kakilala ni Taga, notoryus umano sa pagnanakaw kaya siguro nabuwisit na ang mga pulis kaya pinatay. Nagawa pang dalhin sa Pasay City General Hospital si Taga ngunit patay na bago idating sa nasabing ospital.
*****
Gusto kong panigan ang ginawang pagpatay, pero lumalaban ang aking kalooban dahil puwede naman na ikulong dahil striker ng mga kasamang pulis.
Hindi kaya sa isip ng pulis na si Fortuna,ay hindi na dapat magtagal sa mundo si Taga para wala nang magreklamo dahil notoryus na sa pagnanakaw?!
SAKLA-PATAY SA LAS PIÑAS
PERO WALA NAMANG PATAY
Wala naman umanong problema sa mga re-sidente sa Las Piñas City ang pagkakaroon ng sugal na sakla sa kanilang siyudad dahil naka-tutulong sa mga pamilya ng namatayan.
Ngunit ang hindi nila matanggap kahit walang patay ay nagpipiyesta ang mga kabataan sa pagtaya sa sugal na sakla.
Tanaw na tanaw habang dumaraan ang mga pribado at pampublikong sasakyan sa Korva, malapit sa Plaza Quezon, ang mga kabataang dapat ay nagsisipag-aral ay napupuyat sa natu-rang sugal. Mga ama ng tahanan na imbes ibili ng pagkain ng pamilya, ang pera ay isinusugal at nalulustay dahil sa sakla. Alam kaya ito ni Las Piñas Mayora Imelda Aguilar?
Ma’m Imelda, si Meyor Nene noon ay ayaw na ayaw niyan!
ISUMBONG MO KAY LADY DRAGON – Amor Virata