Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Isabelle Daza, makapaghahanda na sa pagpapakasal sa pagtatapos ng TAL

NAGTAWANAN ang mga press people sa thanksgiving-presscon ng seryengTubig at Langis nang magpasalamat ang veteran actress na si Jean Saburit na nagkaroon siya ng trabaho nang mawala si Vivian Velez.

Nagkaroon kasi ng isyu kay Vivian at sa bida ng serye na si Cristine Reyes.

Tinanong din si AA (palayaw ni Cristine) kung papayag ba siya na muling makatrabaho sa ibang project ni Vivian?

“Naniniwala po ako na lahat ng bagay ay nadadaan sa maayos sa pag-uusap. Wala namang problema sa akin. okey lang na magkatrabaho kami,” pakli niya.

Tatakbo pa ng apat na Linggo ang Tubig at Langis sa ilalim ng Business Unit Head na si Direk Ruel Bayani. Gusto na rin nila ibigay ang moment kay Isabelle Dazana makapaghanda sa kanyang kasal sa September kaya wala na ring tapings na haharapin pa si Belle. Isa rin ‘yan sa dahilan kaya tatapusin na ang serye.

Anyway, tungkol naman sa nalalapit na kasal ni Isabelle, medyo stressed daw siya dahil bukod sa paghahanda sa kasal ay kasabay din ng tapings ng Tubig at Langis.

“In fairness to the ‘TAL’ family, they’ve been so supportive of me, I also had to leave kasi I had an emergency and naibigay naman ni RSB, ni Mamu (program manager ng ‘TAL’), at buong cast napaka-supportive nila. Something also happened, my dad passed away, and they were all also supportive, nag-adjust talaga sila sa schedule ko,” bulalas ni Isabelle.

Nakatakda raw siyang umalis sa September 2 sa Italy na roon siya ikakasal at magkakaroon naman sila ng last taping day for TAL baka raw sa end of the month.

Pak! Ganern!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …