Monday , December 23 2024

Hindi ako ang mag-sponsor ng Miss Universe 2017 — Gov. Chavit

NAGKAROON ng get-together party sa movie press ang dating Ilocos Governor Chavit Singson sa pamamahala ni Tita Aster Amoyo. Nilinaw ni Narvacan Councilor Chavit na hindi siya sponsor sa Miss Universe 2017 na gaganapin sa ating bansa kundi siya lang ang nagko-coordinate.

“All-out support ako sa ‘Miss Universe’ dahil noong before elections, ino-offer na ‘yan sa iba’t ibang company, walang tumatanggap dahil $12-m ang gastos diyan,”bulalas niya.

“Now, noong ako ang kinausap, nakita ko na maganda para sa tourism natin, kasi domino effect ‘yan na sinasabi, kapag marami tayong turista, maraming negosyo, mapo-promote ang buong Pilipinas. So, magandang support ito sa bagong administrasyon ni Pres. Duterte. Although sabi niya, ‘okay, pero walang gastos ang gobyerno’. So, magsasama-sama kaming lahat, mga NGO, kaya ako na ang naggarantiya na ako ang maghahanap ng sponsor.

“Mali ‘yung sinasabi nila na sponsor ako. Hindi po ako sponsor, ako lang ang nagko-coordinate sa mga mag-i-sponsor at ako na ang nag-garantiya na ‘yung $12-M, mababayaran sila.So, kung marami akong makukuhang sponsor, hindi ako malulugi. Kung kaunti lang, malulugi ako,” deklara pa niya.

Almost 80% na  matutuloy sa Pilipinas ang Miss Universe at ito’y sa pakikipagtulungan ng Department of Tourism na pinamumunuan ni Sec. Wanda Corazon Tulfo-Teo. Ipinakita na rin sa movie press ang luxury yacht, 148- seater plane, at party bus na gagamitin ng mga delegate.

“Siya (Sec. Wanda) ang kapartner namin, kung wala siya, hindi namin magagawa ito. Siya ang nagko-coordinate, although walang gastos ang gobyerno, kailangan din ng suporta ng gobyerno, so under the leadership of Sec. Wanda, eh alam naman niya na maganda sa turismo ito, so, all-out support din siya,” sambit pa ni  Manong Chavit.

Bukod sa Miss Universe, nakatakda ring ipalabas ang prodyus niyang show na Happy Life.

“Ang concept ng ‘Happy Life’, pupunta sila sa mga probinsiya, kukunan ang mga magagandang tanawin para sa turismo natin, tapos pupunta sila sa nangangilangan ng eskuwelahan o hahanapin nila ang pinakamasipag na farmer, pupuntahan nila. Itong show na ito, ayaw namin ng dole-out. Gusto namin, reward system. So, sa probinsiyang ‘yan, kung sino ang pinakamasigasig, pinakamasipag na farmer, iimbitahin sa Maynila, ititira sa first class hotel, pakakainin, shopping, lahat ng buhay-mayaman, pagbalik niya, bago na ang bahay niya,” sey pa ni Manong Chavit.

Nasa 7 episodes na raw ang nai-tape ng nasabing travel show, charity show. Kailangan makatapos sila ng 12 epsiodes bago iere sa isang network.

Ito rin daw ang paraan niya of giving back sa tagumpay na ibinigay sa kanya ng Panginoon mula pa noon. Katwiran niya, hindi niya madadala ang pera niya sa hukay kaya gusto niyang ipamigay lahat.

“Ang show na ‘yun, to encourage others to do the same – ipamigay ang pera dahil money is not yours until you spend it. So ako ipamimigay ko lahat. Bibigyan ko rin ang mga anak ko pero ipamimigay ko lahat, dahil ‘pag namatay ako hindi ko madadala lahat ‘yun,” deklara niya.

Abangan na lang kung saan station ipalalabas. Ito ay sa direksoyon ni Eric Quizon.

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *