Friday , November 15 2024
shabu drugs dead

Drug syndicates itinuro ng Palasyo sa summary killings

KINOMPIRMA ng Palasyo, ang nagaganap na patayan kaugnay sa drug war ng administrasyong Duterte ay kagagawan nang magkakaribal na sindikato ng droga.

Ito ang pahayag ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo hinggil sa akusasyon ng Communist Party of the Philippines (CPP) na nagsusulong ng extrajudicial killings ang kampanya kontra-droga ng gobyerno at ginagamit si Pangulong Rodrigo Duterte at pondo ng gobyerno nang magkakalabang drug syndicate.

“As far as we are concerned, the killings are being made by drug pushers themselves, killing each other,” ani Panelo.

Hilaw pa aniya ang sitwasyon para akusahan ng CPP na extrajudicial killings ang nangyayaring patayan dahil wala pang imbestigasyon na magpapatunay sa bintang ng komunistang grupo.

“Parang they are already concluding that there is being extrajudicial salvaging. That statement would be premature because there is not at this time, any investigation showing that there has been extrajudicial killings,” ani Panelo.

Naniniwala ang Malacañang na matatalakay ang nasabing isyu sa peace talk sa Oslo, Norway sa Agosto 20-27.

“That is why there will be talks. That is you should be part of the discussion,” aniya.

Kamakalawa, sinabi ng CPP, ginagamit ang drug war ni Duterte nang magkakaribal na narco-politician at ang pondo pa ng gobyerno ang ginagastos upang mas lalong makapangunyapit sa reaksiyonaryong estado.

“The ‘drug war’ is set to spiral into a war among the criminal drug syndicates, between one narco-politician against another, using the resources of the state and to further entrench themselves in the reactionary state,” ayon CPP.

“In all likelihood, many of the summary and vigilante killings are being carried out by the criminal syndicates who use the ‘anti-drug war’ as camouflage for waging all-out war against their rivals and their rival protectors in the police, bureaucracy and judiciary or to rub-out their own men,” anila.

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *