Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ogie, mawawalan na ng ‘bahay’

SA darating na August 18 ay mag-i-expire na ang kontrata ni Ogie Alcasid saTV5. Pero wala pa siyang malinaw na plano kung magri-renew siya sa Kapatid Network o lilipat dahil hindi pa nila napag-uusapan ng kanyang manager na siLeo Dominguez.

Pero masaya raw si Ogie na kahit nasa poder siya ng TV5, nagagawa pa rin niyang makapag-perform sa shows ng ibang TV networks.

“Kasi I also do a lot of things with GMA and recently lumabas ako sa ‘ASAP’ for Ryan Cayabyab (tribute). And then, sa GMA, lumalabas din ako. Thankful naman ako sa network ko na hindi nila ako nire-restrict,” sabi ni Ogie sa isang interview sa kanya.

Sa ngayon ay isa lang ang show ni Ogie sa Kapatid Network, ang Happinas  Happy Hour.

“’Yun lang ‘yung show namin and wala kaming ibang content kung saan ako puwedeng lumabas. So, naiintindihan din naman nila ‘yung Ogie is basically a singer.”

Ang hinahanap siguro ni Ogie na show na gusto niyang magkaroon sa TV ay ‘yung makakakanta siya. Pero wala namang musical variety show ngayon ang nasabing estayon kaya hindi niya ‘yun magagawa. Isa siguro ‘yun sa dahilan kung bakit naiisip niya at ng manager niya na lumipat sa ibang estasyon.

Pero ang tanong, saang estasyon siya lilipat? Wala namang offer sa kanya angABS-CBN 2 at kung bumalik kaya siya sa GMA 7,  tanggapin pa kaya siya?

Matatandaang umalis si Ogie sa GMA para lumipat sa TV5, ‘di ba? Hindi kaya nagsisisi na si Ogie sa naging desisyon niya noon na lumipat sa TV5?

MA at PA – Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …