Monday , December 23 2024

Duterte, gov’t funds ginagamit ng drug rings – CPP

081516_FRONT

IPINAGMALAKI ng Palasyo na umaani ng positibong resulta ang kampanya kontra-droga at krimen mula nang maluklok sa Malacañang si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ngunit sinabi ng Communist Party of the Philippines (CPP) hindi magtatagumpay ang “drug war” ni Duterte dahil hindi binibigyan ng solusyon ang ugat ng problema.

Sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar, batay sa ulat ng Philippine National Police (PNP), bumagsak ang krimen sa 50,817 noong Hulyo 2016 kompara sa 56,339 noong Hulyo 2015.

“Patunay ito na ang matapang na solusyon at mabilis na aksiyon… nakilala ang ating pangulo… ‘di lamang slogan n’ung panahon ng kampanya. Ito ay isang pagbabagong mararamdaman ng Filipino saan man silang sulok ng bansa hanggang sa pinakaliblib na barangay (kung saan) may droga at krimen,” ani Andanar.

Sa kabila nito, kombinsido ang Communist Party of the Philippines (CPP) na hindi magtatagumpay ang “drug war” ni Duterte.

Napatunayan na anila sa kasaysayan na hindi natutuldukan ng patayan ang drug menace, tulad nang nangyaring anti-drug war sa Mexico na umabot na sa 80,000 katao ang pinaslang ngunit lalong lumala ang problema sa droga.

Gaya umano sa Thailand na 3,000 katao ang pinatay mula 2003 hanggang 2005 ngunit halos kalahati sa kanila’y natuklasan na hindi pala sangkot sa illegal na droga at lumala pa ang drug problem sa kanilang bansa.

Anila, mas ginagamit ang drug war ni Duterte nang magkakaribal na narco-politician at ang pondo ng gobyerno ang ginagastos upang mas lalong makapangunyapit sa reaksiyonaryong estado.

“The ‘drug war’ is set to spiral into a war among the criminal drug syndicates, between one narco-politician against another, using the resources of the state and to further entrench themselves in the reactionary state,” ayon sa CPP.

“In all likelihood, many of the summary and vigilante killings are being carried out by the criminal syndicates who use the ‘anti-drug war’ as camouflage for waging all-out war against their rivals and their rival protectors in the police, bureaucracy and judiciary or to rub-out their own men,” anila.

Hindi anila nakapagtataka kung ang narco-list na isiniwalat ni Duterte ay isinubo sa kanya nang magkakalaban na sindikatong kriminal sa pamahalaan.

“All democratic forces must unite and demand justice and an end to the madness of police and vigilante killings. They must unite to defend human rights. At the same time, the people should amplify their urgent clamor for jobs and land to improve their economic condition, make them productive and draw them away from social misery and desperation, in order to, thus, end the conditions for the proliferation of drugs,” anang pahayag ng CPP.

 ni ROSE NOVENARIO

SUPORTA SA DRUG WAR NI DUTERTE BINAWI NG CPP

BINAWI ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang suporta sa kampanya ng administrasyong Duterte kontra illegal drugs mahigit isang buwan makaraan tanggapin ang hiling ni Pangulong Rodrigo Duterte na tumulong ang kilusang rebolusyonaryo sa kanyang “drug war.”

Sa kalatas ng CPP kamakalawa, inihayag na paiigtingin ng New People’s Army (NPA) ang operasyon para arestohin at disarmahan ang mga druglord pati na ang mga protektor ngunit hindi ito ituturing bilang kooperasyon sa anti-people at undemocratic war on drugs ng  rehimeng Duterte.

“In line with standing orders, the New People’s Army (NPA) will continue to intensify its operations to arrest and disarm drug trade operators and protectors. However, these will no longer be considered as cooperative with the Duterte regime’s undemocratic and anti-people ‘war on drugs,’ ayon sa CPP.

Ipatutupad anila ng NPA ang due process sa pag-iimbestiga sa kaso ng mga suspek na opisyal ng Philippine National Police (PNP) na bihag nila sa Compostela Valley at Surigao del Sur.

Naniniwala ang CPP na ang pinaka-epektibong paraan nang paglulunsad ng digmaan laban sa droga ay sa pamamagitan nang pagmulat at pagmobilisa sa mga mamamayan upang aktibong lumahok sa rebolusyong panlipunan.

Ang talamak na problema sa drug addiction, ayon sa CPP, ay dapat tugunan sa aspeto ng ekonomiya, politikal at kultural.

Ipinagmalaki nila na ang mga barangay na impluwensiyado ng NPA ay nabura ang drug addiction sanhi ng mass struggles.

Matatandaan, matapos ang kanyang inagurasyon, hinimok ni Duterte ang NPA na patayin na lang ang mga sangkot sa illegal drugs para masolusyonan ang problema ng bansa.

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *