TUMAAS ang presyo ng shabu at naging matumal ang supply sa merkado dahil epektibo ang kampanya ng administrasyong Duterte laban sa illegal drugs.
Ito ang tugon ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa pahayag ng Amnesty International (AI) na ang “shoot to kill order” at shame campaign ni Pangulong Duterte kaugnay sa illegal drugs ay hindi lang paglabag sa pundamental na karapatan at imbes maibalik ang peace and order ay lalong lumala ang paglabag sa batas.
“It’s succeeding, why the moment he mention these names, the drug operations stop suddenly, cost of shabu skyrocket. Hirap na hirap na sila, natakot na,” ani Panelo kaugnay sa kritisismo ng AI sa administrasyong Duterte.
Sa kalatas na inilabas kahapon, binigyang-diin ng US Embassy na ang inilaang $32 milyon ng Amerika sa Filipinas nang bumisita si Secretary of State John Kerry ay hindi bagong pondo bagkus ay dati na at ngayon lang naipatupad na security assistance.
Anila, lahat ng security assistance ng Amerika ay ayuda sa pagsusulong ng paggalang sa karapatang pantao, propesyonalismo, due process at rule of law.
“Our partnership with the Philippines is based on a shared respect for rule of law, and we will continue to emphasize the importance of this fundamental democratic principle. The United States strongly believes in the rule of law, due process, and respect for universal human rights, and that these principles promote long-term security,” ayon sa US Embassy statement.
Nababahala aniya ang Amerika sa mga ulat hinggil sa extrajudicial killings ng mga sangkot sa illegal drugs sa bansa kaya hinihikayat ang Filipinas na tiyakin na ang pagpapatupad ng batas ay alinsunod sa mga obligasyon sa karapatang pantao.
“Our bilateral relationship with the Philippines is broad-ranging from law enforcement to trade and development cooperation, and counts on vibrant and undeniably strong people-to-people and societal ties. The U.S.-Philippine relationship, one of our most important in the Asia Pacific, has withstood the test of time,” sabi ng Embahada.
( ROSE NOVENARIO )