Friday , November 15 2024

Baylosis, Tiamzons, Silva pinayagan magpiyansa

IKINAGALAK ng Palasyo ang pagpayag ng hukuman na makapaglagak ng piyansa ang apat detenidong politikal na kabilang sa National Democratic Front (NDF) consultants para makalahok sa usapang pangkapayapaan sa Oslo, Norway sa Agosto 20-27.

Pinahintulutan kahapon ni Manila Regional Trial Court Branch 32 Judge Thelme Bunyi-Medina na makapaglagak ng piyansa sina NDF consultants Adelberto Silva, mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon, at Rafael Baylosis.

Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, dapat payagan makasali sa peace talks ang naturang mga lider-komunista dahil sila ang pinakikingan ng kilusang rebolusyonaryo.

Kinatigan din ni Bunyi-Medina ang petisyon nina dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo at NDF consultant Randal Echanis na makapagbiyahe sa Oslo para lumahok sa peace talks.

“Its time to move on and work to change this country,” ayon kay Communications Secretary Martin Andanar.

Ikinatuwa ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza ang pagpapalaya sa mag-asawang Tiamzon dahil bilang matataas na pinuno ng Communist Party of the Philippines (CPP) ay may estratehikong papel sila sa peace talks na inaasahang magbubunga sa posibleng pagwawakas ng armadong tunggalian na magdudulot ng komprehensibo at ganap na kapayapaan sa bansa na isinusulong ng  administrasyong Duterte.

“We welcome the court’s ruling to enable the Tiamson’s to participate in the peace negotiations. The couple occupies a strategic leadership role in the talks as high ranking leaders of the Communist Party of the Philippines and their participation ensures an inclusive outcome, hopefully to end conflict and bring about comprehensive and sustainable peace throughout the land, as envisioned by President Duterte and his administration,” ani Dureza.

( ROSE NOVENARIO )

KMP LEADER

INARESTO

SA QUEZON

MAHIGPIT na kinondena ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang illegal na pag-aresto sa kanilang vice-chairperson na si Antonio ‘Ka Tony’ Pajalla, 54-anyos peasant leader sa Quezon province.

“We condemn the arrest of peasant leader Tony Pajalla. We demand the Quezon-PNP to surface him as soon as possible,” pahayag ni KMP Secretary General Antonio Flores.

Base sa inisyal na ulat, si Pajalla ay inaresto ng armadong mga elemento ng Philippine National Police sa Macalelon, Quezon, sa kasong rebelyon.

Huling nakita si Pajalla sa Macalelon Municipal Hall nang magsumite ng solicitation letters para sa nalalapit na regional assembly ng claimants movement na Coco Levy Fund Ibalik sa Amin (CLAIM) sa susunod na linggo.

Ayon kay Flores, dakong 3:00 pm kahapon, nagawang kontakin ni Pajalla ang kanyang mga kasama at ipinagbigay-alam ang pag-aresto sa kanya.

Sa huling impormasyon na ibinahagi ni Pajalla, siya ay dinala ng arresting officer sa bayan ng Gumaca.

Sa kasalukuyan, hindi pa mabatid ang kanyang kinaroroon at hindi pa makontak ng kanyang pamilya at mga kasama.

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *