Friday , November 15 2024

Babaeng kritiko dudurugin ni Digong

DUDURUGIN ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko ang isang babaeng opisyal ng gobyerno sa susunod na mga araw.

Sinabi ni Pangulong Duterte sa media interview kamakalawa ng gabi sa Davao City, ‘wawasakin’ niya ang isa sa kanyang mga kritiko.

“But I have a special ano kay ano. She is a government official. One day soon bitiwan ko iyan in public and I will have to destroy her in public.”

Aminado ang Pangulo na madalas niyang banatan ang mga human rights advocate at ilang non-government organizations (NGOs) na hindi tinatantanan ang pagbantay at pagtuligsa sa kanyang kampanya laban sa illegal na droga.

Ngunit espesyal aniya ang isang lady government official na ayaw pa niyang pangalanan ngayon.

“That’s the riddle there. Hintay lang kayo. Akala nila hindi rin ako nakikinig sa kanila,” ani Duterte.

Matatandaan, dalawang araw makaraan isiwalat ng Punong Ehekutibo ang limang narco-generals ay naghain ng resolusyon si Sen. Leila de Lima na humihiling na imbestigahan ng Senado ang aniya’y tumataas na bilang ng extrajudicial killings mula nang magsimula ang administrasyong Duterte.

Mula noong chairman pa ng Human Rights Commission hanggang naging justice secretary si De Lima’y naging kritikal siya sa human rights violations sa Davao City noong alkalde pa ng lungsod si Duterte.

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *