Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angeline, may ilusyong maging Best Actress kaya ratsada sa paggawa ng pelikula

MAPAPANOOD na ang special gift at tribute ni Mother Lily Monteverde ng Regal Entertainment sa LGBT community na nagsimula na noong August 10. Love niya ang mga bading kaya ganado rin siyang iprodyus ang pelikulang That Thing Called Tanga Na. Hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala ang respeto at paghanga niya sa third sex.

Ilang gay movie na rin ang naiprodyus niya gaya ng Petrang Kabayo,  Kumander Gringa, Bala at Lipstick, Manay Po 1, Manay Po 2,  Happy Together.

Bibida sa movie sina Eric Quizon, Billy Crawford, Mart Escudero, Kean Cipriano, at Angeline Quinto.

Hindi naman nailang si Angeline sa tema ng pelikula dahil ‘babaeng bakla’ kung tawagin din siya.

“’Pag naririnig ko ‘yung salitang “babaeng bakla” parang mas nakatatawa siya sa bakla, kasi  parang dalawang tao ‘yung sinasabi mo roon sa isang tao, ‘di ba?

“Pero marami ang nagsasabi sa akin na ganoon ako, siguro dahil sa personal kong buhay talaga, hindi ako ma-emote. Kung mag-i-emote man ako, sa akin lang kaya ang dami ko ring kaibigang bakla kahit noong nasa Sampaloc pa ako nakatira. Masaya kasama ang mga bakla, siyempre binabansagan akong ‘babaeng bakla,’ tanggap ko naman po ‘yun. Masayang-masaya po ako sa title na ‘yan. Ha!ha!ha!,” deklara ni Angeline.

May ilusyon din si Angeline na maging Best Actress kaya ratsada siya ngayon sa paggawa ng pelikula kahit isang indie film ay gusto rin niyang patulan. Hindi naman masamang mangarap. Pero, hindi rin niya isasantabi ang pagkanta.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …