HINIRANG ni Pangulong Rodrigo Duterte ang singer-actress na si Aiza Seguerra bilang pinuno ng National Youth Commission (NYC) sa loob ng susunod na tatlong taon.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, itinalaga rin ni Pangulong Duterte ang partner ni Aiza na si Mary Liza Diño bilang chairperson ng Film Development Council of the Philippines na may terminong tatlong taon.
Tumulong si Aiza at partner niyang si Liza sa presidential campaign ni Pangulong Duterte noong May 2016 elections.
Pinalitan ni Aiza si former NYC chairman Gio Tiongson na pinamunuan ang ahensiya mula 2014-2016.
Nakatakdang manumpa si Aiza kay Pangulong Duterte bilang chairperson ng NYC sa darating na Martes.
( ROSE NOVENARIO )