Saturday , November 16 2024

Pork barrel ibinigay ng party-lists sa NPA (Akusasyon ni Duterte)

IBINIBIGAY ng mga kinatawan ng party-list groups ang kanilang pork barrel sa kaalyadong New People’s Army (NPA) kaya nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na matanggal ang party-list system sa iaakdang bagong Saligang Batas.

Sa kanyang talumpati sa 1st Infantry Division sa Upper Pulakas, Labangan, Zamboanga del Sur kamakalawa ng gabi, inakusahan ni Pangulong Duterte ang party-list group representatives na binibigyan ng pambili ng armas ang kaalyadong NPA.

“Kaya nga ‘yang party-list’ di ako payag d’yan, kung ‘di hawakan ng isang pamilya, anak, asawa, ‘yang party-list meron din mga komunista d’yan. There are communists, kung may pagbago sa consti na crafted na ngayon, wala ‘yang party-list. Pamilya lang hahawak n’yan. ‘Yung isa, representation sa sekyu guards anak ng kilalang tao, kalokohan ‘yan. ‘Yung pera saan mapunta doon sa grupo, ibili ng armas tulong sa kaalyado,” ani Duterte.

Pinaulanan din ng mura ni Pangulong Duterte ang NPA at kinantiyawan na ni hindi makakontrol ng isang barangay sa loob ng 24 oras ngunit mayayabang.

“Iba itong inyong ulan dito, parang NPA, biglang sipot ‘yan mga baliw na yan o, tapos mawawala. Mayabang, parang si Sison. PI n’yo mga NPA kayo, ‘di nga kayo makakontrol ng isang barangay in 24 hours lang. Ulan ‘yan ng NPA o,” aniya sa tila nagbabadyang pagbagsak ng malakas na ulan habang nagtatalumpati.

Muli siyang nagbabala na kakanselahin ang nakatakdang peace talk sa Oslo, Norway sa Agosto 20-27 kapag gumamit ulit ng landmine ang NPA sa kanilang opensiba laban sa militar na aniya’y labag sa Geneva Convention.

“Sabi ko makarinig ako kahit isang balita na may sundalo o pulis na mamatay o masugatan then forget, wala na tayong peace talks, bahala na kayo. ‘Di nga kayo makapanalo sa election,” dagdag ng Pangulo.

Sa isang kalatas, nanindigan si Luis G. Jalandoni, chairperson ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) negotiating panel, na gagamit pa rin ng command-detonated land mines ang NPA habang walang deklarasyon ng tigil-putukan ang AFP at NPA.

Giit ni Jalandoni, hindi labag sa Geneva Convention at Ottawa Treaty ang paggamit ng command-detonated land mines.

“We wish to point out that the use of command-detonated land mines is not violative of the Geneva Convention and the Ottawa Treaty. The New People’s Army can use these weapons in its military operations inasmuch as there is yet no ceasefire of any kind which is valid and effective between the NPA and the AFP,” ani Jalandoni.

Nauunawaan aniya ng NDFP na bilang commander-in-chief ng AFP ay may tungkulin si Duterte na magpakita nang malasakit sa tropa ng militar at magdalamhati sa pagkamatay nila sa digmaan.

“We understand that as commander-in-chief of the Armed Forces of the Philippines he has the duty to show official and personal concern for his troops and mourn their death as casualties of war,” sabi ni Jalandoni.

Mas makabubuti aniyang matuloy ang peace talks, mapalaya at makalahok ang NDFP consultants na protektado ng Joint Agreement on Security and Immunity Guarantees (JASIG) at doon talakayin ang isyu ng ceasefire.

“When the JASIG-protected NDFP consultants are released and get travel documents before August 20, it would be better than not to resume formal peace talks on August 20-27, 2016 because it is during the formal talks that the GPH and NDFP negotiating panels can discuss the mode of ceasefire and how best to arrange this,” ani Jalandoni.

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *