Friday , November 15 2024

Interpreter para sa NAIA

Dragon LadyKAPUNA-PUNA ang kawalan ng interpreter ng mga Chinoy na dumarating sa Ninoy International Airport (NAIA).

Sa kabila, na hindi maiintindihan sakaling makipag-usap sa mga Pinoy partikular sa mga nakatalaga sa Bureau of Immigration, ito ay pinuna ng isang asosasyon ng mga Chinoy.

***

Sinabi ni Angel Ngui, Pangulo ng Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry, nararapat na may interpreter para sa mga Chinoy na dumarating sa bansa. Dahil may natatanggap silang reklamo mula sa Chinese community kapag may dumarating na mga teenager o estudyanteng Chinoy buhat sa bansang China na pumunta rito sa Filipinas para mag-aral ng wikang English. Hindi sila nakakapasok sa bansa dahil walang interpreter.

***

Duda ang Federation sa kawalan ng itinalagang interpreter ang BID na puwedeng maging daan upang kumita ang ilang ahente ng Immigration. Sa kagustuhang pumasok sa bansa ng Chinoy ay bubulungan ‘lagay’ para makapasok sa bansa sa pamamagitan ng senyas.

***

Magugunita, may isang inisidenteng naganap sa NAIA, nang ayaw papasukin sa bansa ang isang Qatari national, nagtangka magpakamatay sa terminal 1, departure area, dahil hindi sila magkaintindihan ng mga nakatalagang guwardiya. Tanging passport lamang ang hawak ngunit pilit na hinihingi ng mga guwardiya ang plane ticket. Ang tiket nito ay puwerdeng makita sa computer thru electronic computerized.

***

Hindi dapat pabayaan ng NAIA mangement ang ganitong problema, ang Department of Tourism ay dapat maglagay ng naka-stan by na marunong magsalita ng iba’t ibang lenguwahe nang sa gayon ay magkaintinidhan ang turista at ang mga nakatalagang Pinoy sa NAIA. Dahil may nakatalagang interpreter.

WALA NG “SAY” ANG MAYORS SA PULISYA

Hindi tulad ng mga nakaraang administrasyon, ang mayor ng isang lungsod ay puwedeng magrekomenda ng uupong Chief of Police sa kanyang lugar na sakop.

Kaya naman ang lokal na pamahalaan ay todo-bigay sa lahat ng kailangan ng pulisya, para manatili ang peace and order sa kanyang lugar, andiyan na pagkalooban ng mobile car, mga kagamitan, allowances at iba pa ngunit ngayong administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, “papel de hapon” na lamang ang mga mayor.

Hindi na sila sinusunod, katuwiran nila, hindi ang mayor ang nagpuwesto sa kanila!

***

Kung ako naman si meyor, bakit ako susuporta sa inyo, doon kayo humingi sa nagluklok sa inyo! Kung ako si mayor, imbestigahan ang lahat ng ‘koleksiyon’ na pumapasok sa bulsa ng kanyang hepe. Sa lungsod ng Pasay, isang alyas ‘Rudy’ umano ang kolektor ni hepe! How true, Colonel?
ISUMBONG MO KAY LADY DRAGON – Amor Virata

About Amor Virata

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *