Monday , December 23 2024

‘Wag mo ko pilitin mag-Martial Law — Digong (Warrant sa 600K ‘adik’ hiling ni Sereno)

081016_FRONT

NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte kay Chief Justice Ma. Lourdes Sereno na huwag lumikhan ng constitutional crisis kaugnay sa anti-illegal drugs campaign ng kanyang administrasyon at baka mapilitan siyang magdeklara ng martial law.

Buwelta ito ni Duterte kay Sereno makaraan atasan ng Chief Justice ang tinaguriang narco-judges na huwag sumuko sa mga awtoridad.

Ani Duterte, “Do not create a constitutional crisis or I’ll order everybody in the executive not to honor you. Would you want me to declare martial law?”

Iginiit niyang may talamak na patayan na nagaganap sa bansa dahil pinabayaan ng administrasyong nagtalaga kay Sereno sa SC, ang problema sa illegal drugs.

Ayon sa Pangulo, lalong lalala ang kriminalidad kapag hinintay pa ng mga awtoridad na maglabas ng warrant of arrest laban sa 600,000 drug addicts.

Umaabot aniya sa dalawa hanggang tatlong buwan bago makapaglabas ng warant of arrest sa laban sa isang kriminal kaya isipin na lang kung gaano katagal ang sa 600,000 drug addicts na niluto na ng shabu ang utak kaya naging kriminal na.

Inihalimbawa rin niya kung gaano katagal umusad ang kaso bago mapasyahan ng korte hanggang sa umabot sa Korte Suprema.

“Sa SC tell me what is the fastest decision you make on criminal cases? It’s not strange to us sabihin after 10 years na-convict yun, now you’ re asking for warrant for 600K Filipinos in the meantime ang bangag, ano gawin mo? Let them stay there to resume their crminal activity?” pahayag pa ng Pangulo.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *