Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Meg, sinuwerte sa pagbabalik-Kapamilya

MASUWERTE talaga ang pagbabalik ni Meg Imperial sa ABS-CBN 2. Pagkatapos siyang mapanood sa FPJ’s Ang Probinsyano, ay nagging instant millionaire pa siya nang manalo  ng P1-M jackpot prize sa ABS-CBN’s game show na Minute to Win It.

Sa Sabado, bongga naman ang exposure niya sa Kapamilya Network dahil tampok siya sa Maalaala Mo Kaya.

Si Meg ang kauna-unahang contestant na nanalo ng P1-M.

“I’m very thankful. I can’t believe that I won P1-M because I told myself I would just enjoy the game. It’s my first time to be invited here, and this happened,” reaksiyon niya.

Napanalunan ni Meg ang total cash prize na P1,070,000 pagkatapos nitong talunin ang indie actor na si Kiko Matos sa isang Head-to-Head Challenge.

May  tinapos ding indie movie si Meg entitled Higanti with Assunta de Rossi, Jay Manalo, Katrina Halili, Jon Lucas, Alwyn Uytingco, at DJ Durano.

Malakas din ang negosyo nilang mag-ina sa Naga City na  Timeless Beauty Salon and Spa.

Bongga!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …