HINDI sinampahan ng kasong may kinalaman sa moral turpitude kundi kasong sibil lang ang kinaharap ni dating Pangulong Ferdinand Marcos kaya kuwalipikado siyang ihimlay sa Libingan ng mga Bayani.
Sinabi ni Presidential Chief Legal Counsel Salvador Panelo, walang legal na basehan ang pagtutol ng ilang grupo sa paglibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
“Mr Marcos was not charged with crime of moral turpitude. If you’re referring to civil cases regarding estate, it is a civil case,” ani Panelo.
Malaya aniya ang sino man na kumontra sa pasya ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilibing sa Libingan ng mga Bayani si Marcos ngunit nakahanda ang gobyerno na ipagtanggol sa korte ang naturang pasya.
“It does not distinguish whether President is good or bad, handsome or ugly. If you’re President, you’re entitled to be buried there,” sabi ni Panelo.
Naging sundalo rin aniya si Marcos, lumaban sa Japanese, itinatag ang Maharlika group kaya puwede talaga siya ihimlay sa Libingan ng mga Bayani.
( ROSE NOVENARIO )