TINIYAK ng Palasyo sa US State Department na hindi palalagpasin ng administrasyong Duterte ang mga ulat ng extrajudicial killings kaugnay sa anti-illegal drugs campaign ng gobyerno.
Inatasan kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte si Interior Secretary Mike Sueno na imbestigahan ang sinasabing mga biktima ng salvaging.
“President Rodrigo Roa Duterte repeteadly express that he dies not condone EJKs. However he also admited that certain individuals may have been salvaged . But in the light of these, the Napolcom chair, DILG Sec Sueno has directed Gen. Bato to probe drug related killings,” ani Presidential Spokesman Ernesto Abella sa press briefing sa Palasyo kahapon.
Habang ipinagtanggol ng militanteng grupong Bagong Alyansang Makabayan (bayan) ang administrasyong Duterte sa pagsasabing ‘premature’ pang isisi sa gobyerno ang extrajudicial killings.
Kamakalawa, nagpahayag nang pagkaalarma ang US sa higit 400 biktima ng extrajudicial killings na may kaugnayan sa illegal drugs mula nang maupo si Duterte sa Palasyo.
( ROSE NOVENARIO )