HINDI kuwalipikasyon ang natanggap na mga medalya ng isang sundalo para maihimlay sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio, Taguig City.
Ito ang pahayag ng Palasyo kaugnay sa sinabi ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) na peke ang mga medalya ng kabayanihan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos kaya hindi siya maaaring ilibing sa Libingan ng mga Bayani.
Paliwanag ni Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo, hindi maitatanggi na naging sundalo bago naging pangulo ng bansa si Ferdinand Edralin Marcos.
Wala aniyang nakatakda sa batas na kapag walang nakuhang medalya ang isang sundalo ay hindi na kuwalipikadong mailibing sa Libingan ng mga Bayani.
Nauna rito, sinabi ni NHCP Chairperson Mario Serena Diokno, hindi makatotohanan ang batayan ng Palasyo na naging bayaning sundalo si Marcos noong World War II at peke ang sinasabing mga medalya ng kagitingan ng dating Pangulo.
( ROSE NOVENARIO )