TATAPATAN ng administrasyong Duterte ang suweldo ng mga doctor at nurse na nagtatrabaho sa pribadong sektor.
Ito ay para maakit ang mga doctor at nurse na magtrabaho sa itatayong rehabilitation center ng pamahalaan para sa drug addicts sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.
Ayon sa Pangulo, imbes pagsilbihan ang mga dayuhan, mas makabubuti kung uunahin muna ng mga doktor at nurse ang pagbibigay ng kalinga sa mga Filipino na nalulong sa illegal na droga.
Una rito, inatasan ng pangulo ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines na maglaan ng tig-isang ektaryang lupa sa bawat regional military camp para gawing rehabilitation center.
Ito ay para mapagkasya ang daan-daang libong drug addicts na sumuko sa mga awtoridad.
( ROSE NOVENARIO )