Monday , December 23 2024

Palaisdaan ng malalaking korporasyon ipinabubuwag ni Digong (Sa Laguna de Bay)

IPABUBUWAG ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga palaisdaan ng pagmamay-ari ng malalaking korporasyon at mayayamang negosyante na umookupa sa malaking bahagi ng Laguna de Bay.

Sa kanyang talumpati sa courtesy call ng volunteers ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa Palasyo kamakalawa ng gabi, sinabi ni Pangulong Duterte, tuwing nagbibiyahe siya sakay ng chopper o eroplano ay nakikita niya mula sa himpapawid na nahati na sa malalaking bahagi ang Lawa ng Laguna.

Nangangahulugan aniya ito na ang malilit na mangingisda ay wala nang puwesto sa lawa, at monopolyado na ito ng malalaking korporasyon.

“Iyang Laguna de Bay, whenever I look down there. I’m sorry if you have one there, ‘yung mga triangulo. Wala ka nang makitang ano… The only spaces, ‘yung isang  triangulo dito, the small one is just to divide maybe the one on the right or on the left. Ang mga fishermen diyan wala na,” aniya.

Balak ni Pangulong Duterte na ipabaklas sa susunod na mga araw ang corporate at private fishpen upang mapakinabangan ng maliliit na mamamalakaya ang Lawa ng Laguna.

Nabatid sa Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA), halos 60 porisyento ng 94-ektaryang lawa ay ipinaupa ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) sa malalaking korporasyon sa pamamagitan ng Fishpond Lease Agreement (FLA)

Anang PAMALAKAYA, paglabag ito sa batas na nagtatakda na 10% lang ang puwedeng okupahin ng pribadong sektor.

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *