SA guesting nina Bea Alonzo at Gerald Anderson sa Gandang Gabi Vice noong Linggo para sa promo ng pelikula nilang How To Be Yours mula sa Star Cinemana showing na ngayon sa lahat ng mga sinehan, naging sentro ng interview niVice Ganda ang tungkol sa naging relasyon nila six years ago.
Ayon kina Bea at Gerald, tumagal lang ng tatlong buwan ang pagmamahalan nila. Nagsimula raw manligaw ang huli sa una noong nakipaghiwalay na ito kay Kim Chiu. Pero may naging proseso raw ang panliligaw ni Gerald kay Bea.
Ayon sa award-winning actress, manliligaw lang daw ito sa kanya kapag umabot ang tatlong buwan na sa tingin nito ay talagang gusto siya nito at hindi lbasta crush lang ang nararamdaman sa kanya. At bago raw sumapit ang tatong-buwan, mag-aalas-dose ng hatinggabi noong makatanggap siya ng text mula kay Gerald, na nagsasabi na talagang gusto raw siya nito.
That time ay nasa taping siya ng defuct series niyang Magkaribal. Kinilig daw siya sa text ni Gerald pero umabot pa raw ng ilang oras bago niya ito nireplayan.
Ayon pa kay Bea, itinuturing niyang whirlwind romance ang namagitan sa kanila ni Gerald dahil mabilis daw naging sila pero mabilis din daw itong natapos.
Tinanong ni Vice sina Gerald at Bea kung ano ang hindi nila natanong sa isa’t isa noong sila pa. Ang tanong ni Gerald kay Bea ay kung talaga raw bang minahal siya nito? Na ang naging sagot ni Bea ay sobra. Na ikinakilig ni Vice noong marinig ang sinabi ng aktres.
Noong turn na ni Bea, same question na lang daw ang itatanong niya kay Gerald na sinagot naman ng actor na, ”More than you’ll ever know,” na muling ikinakilig din ni Vice.
Base sa napanood namin, halatang may nararamdaman pa sa isa’t isa sina Bea at Gerald. Kaya bakit hindi nila dugtungan ang naunsiyami nilang relasyon, total, pareho naman silang single ngayon.
May kasabihan nga tayong Love is lovelier the second time around.
Speaking of How To Be Yours, blockbuster ang pelikula, huh! Kaya gusto naming batiin sina Bea at Gerald at ang lahat ng bumubuo nito na hanggang ngayon ay pinipilahan pa rin sa takilya.
MA at PA – Rommel Placente