WALANG balak ang Malacañang maging si Pangulong Rodrigo Duterte, na patulan pa si Sen. Leila de Lima.
Magugunitang sa privilege speech ni De Lima sa Senado, isinulong niya ang imbestigasyon sa extra-judicial killings sa sinasabing drug personalities at tahasang isinisisi sa Duterte administration.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, iginagalang nila ang karapatan ni De Lima at pagiging independent ng mga senador.
Ayon kay Abella, suportado rin nila ang binabalak na imbestigasyon sa drug pushers killing.
Maging si Pangulong Duterte ay interesado rin tutukan ang alegasyong pag-abuso ng mga pulis at reklamo ng mga kaanak ng mga napatay sa illegal drugs operations.
Ngunit ngayon, naniniwala si Pangulong Duterte na regular ang ginagawa ng mga pulis at palagi silang nakikipag-ugnayan sa kanilang mga opisyal.