BUTUAN CITY – Isasailalim sa chemistry test ng Philippine National Police-Crime Laboratory-13 ang nai-turnover na mga buto at tanim na marijuana sa Lungsod ng Loreto, Agusan del Sur.
Kinilala ni Senior Insp. Aldrin Salinas, hepe ng Loreto Municipal Police Station, ang drug surrenderee na si Roberto Manlumisyon alyas Popoy, 49-anyos, residente ng Sitio Mactan, Brgy. Kasapa, sa nasabing lungsod.
Bitbit ni Manlumisyon ang 44.5 kilo ng marijuana plants at 1.1 kilo ng marijuana seeds na tinatayang nagkakahalaga ng P5.5 milyon.
Kasama rin sa sumuko ang number two drug target na inihatid pa ng kanilang barangay kapitan.