NAIS nang mawakasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamamayagpag nang tinawag niyang mga oligarch sa bansa o ‘yung iilang makapangyarihan dahil sa pera o impluwesya na nagmamanipula sa takbo ng gobyerno o ng ekonomiya.
Sa kanyang talumpati sa harap ng mga opisyal ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na nag-courtesy call sa Palasyo ay pinangalanan ng Pangulo ang negosyanteng si Roberto Ongpin na kabilang aniya sa mga maituturing na oligarch sa bansa.
Utos aniya sa COMELEC, buwagin ang mga oligarch na nakakapit na sa gobyerno.
“I’ll make an example, publicly, si Pongpin, Robertop, malakas kay Marcos, Gloria, Pnoy, itong online niya, hindi ko alam kung magkano sa gobyerno.”
Bukod sa kanyang kampanya sa ilegal na droga, tinalakay rin ng Pangulo sa kanyang talumpati ang pagsusulong ng pag-amiyenda sa Saligang Batas para sa pagsusulong ng federalismo sa bansa.