Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mawala na ang lahat, ‘wag lang ang pamilya ko — Karla

NOONG presscon ng seryeng The Greatest Love ay nabanggit ni Rommel Padilla na si Karla Estrada ang greatest love niya at siya rin ang nang-iwan kay Rommel.

“Sabi ba niya?,” bungad na reaksiyon ni Karla nang makatsikahan namin sa set visit ng kanyang sitcom na Funny Ka, Pare Ko. Napapanood ito sa Cine Mo! saABS-CBN TV Plus tuwing Linggo  ng gabi.

“’Yung ako ‘yung nang-iwan naniniwala ako roon! Pero ‘yung ako ‘yung greatest love niya, sabi nga ni Melai, eh huwag niya akong charcharin,”  reaksiyon ni Karla sabay tawa.

“Pero hindi ko naman… hindi naman iniwan na iniwan. Kumbaga nagdesisyon akong lumayo noong ako’y five months na pregnant kay Daniel dahil may ibang mundo sila noon at alam naman na natin kung ano at ayokong sumama roon sa mundo nilang ‘yun,” sambit pa n’ya.

Nanalo si Rommel sa Nueva Ecija bilang Board Member ng First District noong nakaraang election. Sinuportahan daw ni Daniel ang kanyang ama.

“Si Daniel nagpunta roon, dalawang beses niyang inuwian ang tatay niya. Sa Nueva Ecija, sa Cuyapo. Pero Cuyapo kasi ‘pag Board Member ka, buong province ‘yun,” sey ni Karla.

Buong ningning ding sinabi ni Karla na ayaw niyang pasukin ang politika.

Samantala, kasama ni Karla bilang co-host sa Magandang Buhay si Melai Cantiveros (at Jolina Magdangal) sa ABS-CBN. May pinagdaraanan ngayon si Melai sa pagsasama nila ng kanyang asawa na si Jason Francisco.  Ano ang payo niya kay Melai?

“Naku, magaling ‘yun! Gaganoon-ganoon lang ‘yun, mukha lang luka-luka ‘yun, pero magaling ‘yun sa buhay. Magaling sa buhay ‘yun, hindi mo siya kailangang… and si Melai kasi siya ‘yung tipong ‘pag gusto niya hindi baleng magdildil ng asin.Wala siyang pakialam sa lahat, mawala ‘yun, halos kaming tatlo, pare-pareho. Na ang importante, pamilya. Maubos na lahat ng kaibigan, matira lang ang pamilya okay ako, okay kami. Kasi pare-pareho kaming galing sa wala, eh. So, hindi kami natatakot mawalan. Ang ikinatatakot ko lang na mawalan at bumalik sa hirap ulit, dahil may mga anak na ako. At iyon ang ayokong maranasan nila kaya ako nag-iimpok ng bonggang-bongga,” sambit pa niya.

TALBOG –  Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …