IPINANGAKO ni Pangulong Rodrigo Duterte na libre na ang edukasyon para sa mga anak ng mga sundalo.
Ito man lang aniya ay magawa ng gobyerno para tapatan o kilalanin ang sakripisyo ng mga sundalo sa pagbabantay sa seguridad ng mamamayan.
Samantala, aprubado na ni Pangulong Duterte ang paglalaan ng P30 bilyon para sa modernisasyon ng V. Luna General Hospital (AFP Medical Center) sa Quezon City.
Kasama ni Pangulong Duterte si Budget Sec. Benjamin Diokno sa mahigit apat na oras na meeting sa mga opisyal ng AFP at pagamutan.
Sinabi ni Pangulong Duterte, kabilang sa gagawin ang pagsasaayos sa isang gusali, pagbili ng equipment sa MRI, gamit sa non-invasive operation sa tumor at iba pang sakit.
Ayon kay Duterte, ayaw niya nang matagalang ‘release’ at implementasyon ng proyekto ngunit hindi rin niya papayagan ang korupsiyon lalo sa bidding.