UMABOT sa mahigit 500,000 ang boluntaryong sumukong drug users at pushers sa buong bansa mula nang umupo sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay batay sa data ng PNP mula Hulyo 1 hanggang Agosto 2 ng taon kasalukuyan. Ayon sa PNP kabuuang 565,806 ang sumurender na drug personalities.
Batay sa tala ng pulisya, nasa 5,418 ang naarestong drug suspects. Umabot na rin sa 402 ang napatay na drug personalities sa pinag-ibayong anti-illegal drug operations ng pulisya.
Hindi pa kasama sa bilang na ito ang mga natatagpuang patay na may nakasabit na karatula o hinihinalang mga biktima ng extra-judicial killings.