Sunday , December 22 2024

PDEA suportado ang Senate Bill no. 48

Dragon LadySINUSUPORTAHAN ng PDEA ang proposed bill 48, para sa amyenda ng anti-wire tapping law ng Repoblic Act No. 4200 na mas kilalang “Act to Prohibit and Penalize Wire Tapping and other Relates Violations of the Privacy of Communication.”

Ang Senate Bill 48 ay iniakda ni Senator Panfilo Lacson (An act authorizing wire tapping si cases involving Violations of Republic Act 9165 n The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Ikinasiya ni PDEA Director General Isidro S. Lapeña ang nasabing pag-aamyenda, dahil ang bagong kabang umano ay isang malaking pagbabago bilang suporta sa Senado sa kampanya laban sa ilegal na droga.

Sakaling maapurbahan, sabi ni Lapeña, at payagan ang wire tapping sa bigtime suspected drug lords, madali silang mai-intercept at mairerekord ang mga komunikasyon na may kaugnayan sa ilegal na droga, na magagamit na ebidensiya.

SHABU LAB SA CAVITE

Kamakailan, sinalakay ng mga tauhan ng PDEA ang isang shabu laboratoty sa bayan ng Noveleta, lalawigan ng Cavite. Nadakip ang bigtime drug lord na kinilalang si Onjet Samartino, at dalawa pang katao, sa isang asinan. Malapit sa isang beach resort naroroon ang shabu laboratory. Matapos ang pagsalakay, nakatatawa na binalikan ng sindikato ang meyor ng Noveleta, Cavite at nagpaputok ng balita na bahay umano ni Meyor Dino Chua ang sinalakay ng PDEA na may shabu laboratory.

Mahigpit itong itinanggi ng Alkalde, ayaw siyang tigilan ng intriga dahil gusto niya ay drug-free ang bayan ng Noveleta.

***

Matindi ang mga drug pushers sa bayan ng Noveleta Cavite.

Sa isang Meyor na tulad ni Chua, na pangunahing layunin ay maalis ang mga ilegal sa kanyang bayan, sinusuklian naman ng mga kalaban sa politika ang mabuting gawain ng alkalde. Sa halip na suportahan si Chua ay binabaligtad ang mga pangyayari.

Sabi ni Meyor, ang kanyang administrasyon ay maganda ang layunin, ngunit parang may mga anay na sinisira siya ng mga kalaban sa politika.

Unang termino pa lamang ni Chua bilang alkalde ng bayan ng Noveleta, alam niya marami siyang masasagasaan, pero mas marami ang masisiyahan. Naging konsehal ng Cavite City, bise alkalde, bago naging board member ng lalawigan ng Cavite. Ngayon ay Alkalde ng bayan ng Noveleta, Cavite.

Ayon kay Mayor Chua, hindi niya sisirain ang  kanyang pangalan, dahil matagal siyang nagserbisyo sa lalwigan ng Cavite bilang public pervant.

Panawagan ni Mayor Chua sa kanyang mga constituent, huwag maniwala sa mga intriga, sa halip ay suportahan siya sa paglipol sa masasamang aktibidad sa bayan ng Noveleta.

MGA BGY. CAPTAIN SA PASAY NABABAHALA

Sumugod sa Pasay City Council ang mahigit 100 baranagy chairman ng District 1 at District 2, at sa harapan ng mga konsehal ng siyudad ay nakipag-dialogo kay Chief of Police P/Senior Supt. Nolasco Bathan.

Karamihan sa barangay chairman ay nangangamba dahil nakatatanggap umano sila ng text messages at tawag sa telepono, na inaakusahan silang mga sangkot sa ilegal na droga at binabantaan pa na itutumba.

***

‘Yan na nga ang sinasabi natin. Tunay naman kasi may mga sangkot sa ilegal na droga na barangay officials diyan sa Pasay. Sa tagal na naming nagkokober sa lungsod ng Pasay, kapag may nahuhuling user o drug pushers ang mga awtoridad, makikita ang ilang barangay captain na umaarbor, o kaya ay patutunayan na ang nahuli ay may malinis na pagkatao. Kaya noon madalas ay pulis pa ang nasisisi, dahil mali ang kanilang hinuli!

‘Yan ang napala ng mga kapitan na mahilig umarbor! Hindi bobo si hepe, para hindi alam kung sino ang mga sangkot sa ilegal na droga!

Pero teka, nakagugulat ang mga binitawang salita ni hepe na suportado niya si meyor dahil sinusuportahan siya sa kampanya? Akala ko ba nasa watchlist si meyor? Bigla yatang nabago ang dialogo ni hepe?

Sa ganang amin, si meyor at ang pamilya niya ay may takot sa Diyos. Hindi papasukin ang ganyang ilegal na Gawain. Ang paglingkuran ang taongbayan, ‘yan ang alam natin at hindi ilegal. Legal na legal!

ISUMBONG MO KAY LADY DRAGON – Amor Virata

About Amor Virata

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *