Friday , November 15 2024

27 local executives sa illegal drug trade ibubunyag ni Duterte

IBUBUNYAG na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 27 local executives na sangkot sa illegal drug trade sa bansa, ayon kay Presidential Legal Adviser Salvador Panelo.

Sinabi ni Sec. Panelo sa Malacañang reporters kahapon, plano na ni Pangulong Duterte na ibulgar ang pangalan ng 27 local executives na sangkot sa illegal drugs sa bansa.

Aniya, kinompirma sa cabinet meeting kamakalawa sa Malacañang ni Pangulong Duterte, nasa 27 local executives ang nakalista na may kinalaman sa drug syndicate sa bansa.

Gayonman, tumanggi si Atty. Panelo na magbigay ng ano mang ‘hint’ kung sino-sino ang local executives na binabanggit ni Pangulong Duterte na mayroong ‘link sa illegal drugs.

Hindi niya itinanggi o kinompirma kung kasama sa kanila si Manila Mayor Joseph Estrada nang tanungin ng isang taga-media.

Pero sumagot siya: “My God you will be shocked!”

“Hintayin na lamang ninyo na mismong si Pangulong Duterte ang magbanggit nito. Ang sabi niya, baka ngayong gabi o bukas na niya ibulgar ang mga pangalan,” dagdag ni Panelo.

“Basta ang sabi ni Pangulo, may kakilala siya sa nasa listahan pero handa niyang pangalanan para sa kapakanan ng taongbayan dahil sinisira ng illegal drugs ang kinabukasan ng mamamayan,” paliwanag ng chief presidential legal counsel sa Palace reporters.

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *