Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Political detainees, Misuari palalayain (Pangako ni Digong)

NAKAHANDA si Pangulong Rodrigo Duterte na pansamantalang palayain ang political detainees mula sa Communist Party of the Philippines – New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) at ang puganteng Moro National Liberation Front (MNLF) founding chairman Nur Misuari kapag naging maayos ang takbo ng peace talks.

Sinabi ng Pangulo, bago magsimula ang peace talks sa komunistang grupo sa Oslo Norway sa Agosto  ay palalayain munang pansamantala ang mag-asawang CPP leaders na sina Benito at Wilma Tiamzon para lumahok sa usapang pangkapayaan.

“Ang redeeming factor ng rebelde, they are waging rebellion ideology driven. So ang redeeming factor, because you want a better set up for the people. Walang death penalty,” sabi niya sa media interview sa Palasyo kahapon.

Pagkakalooban muna aniya ng safe conduct pass sina Tiamzon at ipauubaya niya sa government peace panel ang magiging diskarte sa peace talks dahil tiwala siya sa kanilang kakayahan.

Ang communist political detainees ay nahaharap sa mga kasong kriminal ngunit kapag napatunayan nila sa hukuman na ang kanilang ginawa ay alinsunod sa isinusulong na ideolohiya ay maaari silang bigyan ng amnestiya ng Pangulo gaya nang ginawa ni dating Pangulong Benigno Aquino III sa mga rebeldeng maka-kanan o Magdalo Group.

Binigyan-diin ni Pangulong Duterte, prayoridad ng kanyang administrasyon ang pagtatamo ng tunay na kapayapaan sa bansa.

“Ito namang komunista, kaibigan kami…they are socialist, but they are Communist Party of the Philippines. I am just a socialist in my dimensions kasi anak ako ng mahirap,” aniya sa Presidential Security Group (PSG) dinner with the President kamakalawa ng gabi.

Binawi ni Duterte ang idineklara niyang unilateral ceasefire laban sa CPP-NPA-NDF nang mabigo ang grupong tumbasan ito at tinambangan ang convoy ng militiamen sa Davao del Norte.

Ngunit natuwa siya nang mangako ang CPP na magpapahayag ng kanilang hiwalay at sabay na unilateral ceasefire sa pagsisimula ng peace talks sa Agosto 20.

Samantala, nakahandang  magtungo sa Jolo, Sulu si Duterte upang personal na kausapin si Misuari para muling pag-usapan ang kapayapaan.

Aniya, handa rin niyang bigyan ng safe conduct pass si Misuari kapag nagsimula ang peace talks sa kanilang hanay.

Bukod sa MNLF, handa rin siyang makipag-usap sa hanay ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) upang ituloy ang peace negotiations sa kanila ng gobyerno.

( ROSE NOVENARIO )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …