Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jason, ‘di big star para mag-demand

MARAMI ang nabababawan kay Jason Francisco sa pagseselos niya sa pagkakaroon ng leading man si Melai Cantiveros sa katatapos na We Will Survive.

Imagine, hawak lang naman ang ganap kina Melai at Carlo Aquino sa serye pero big deal na kay Jason? Isang magaling na actor ang kapareha ng asawa tapos gagawan niya ng big deal?

Ang daming artista na naghahanap ng project at hindi kailangang mag-inarte sa panahong ito.

Big star ba sila para mag-demand na walang partner? Kailangan bang maging mapili? Hindi naman love scene ang ginagawa ni Melai para pagtalunan pa na nakapareha niya si Carlo.

Swabe at pampamilya ang naging takbo ng kuwento ng We Will Survive. Wholesome ito para ipagdiinan pa ni Jason ang do’s and don’t’s.

Kakitiran ng pang-unawa ni Jason kung tinanggap ni Melai na may kapartner ito sa naturang serye. Malaki naman ang maitutulong nito sa pangkabuhayan showcase nilang mag-asawa at sa future ng anak nila.

Bakit hindi na lang magpasalamat si Jason sa management na hindi pinababayaan si Melai at tinatambakan ng trabaho? Ang dami kayang nganga riyan at nakaburo, ‘no?

Kung  si Toni Gonzaga nga may kapareha sa Home Sweetie Home sa katauhan ni John Lloyd Cruz pero naiintindihan ni Direk Paul Soriano. Kahit parang mag-asawa na ang lambingan ng dalawa pero naiintindihan ‘yun ni Direk.

Ganoon din sina Dawn Zulueta at Richard Gomez, hindi big deal sa mga asawa nila na may ka-loveteam.

Hay naku, hindi ko talaga maintindihan ang kababawan na dahilan na ‘yan…

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …