PINASARINGAN ni dating Pangulo at kasalukuyang Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ang nakaraang administrasyon kaugnay sa kanyang pagkaka-hospital arrest nang ilang taon.
Sa kanyang pagbisita kamakalawa sa Pampanga, hindi napigilan ni Arroyo ang sarili na magpaabot nang kanyang hihinakit dahil halos apat na taon pagkaka-hospital arrest sa Veterans Memorial Medical Center bunsod nang kinaharap niyang PCSO plunder case.
Sinabi ni Arroyo, ang pagkakakulong sa kanya ay maituturing na parusa sa isang inosenteng indibidwal.
Hindi rin daw siya nakapagsilbi nang husto sa kanyang mga nasasakupan sa ikalawang distrito ng Pampanga dahil sa pagkaka-hospital arrest.
Umaasa ang dating Pangulo na siya na ang huling biktima ng aniya’y pangha-harass ng mga kritiko sa political enemies sa pamamagitan nang paggamit ng justice system sa bansa.