Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Myrtle, bagong endorser ng Sisters Sanitary Napkins

SI Myrtle Sarrosa ang bagong  endorser/ambassadress ng Sisters Sanitary Napkins and Pantyliners. Kaya siya ang kinuha ng Magasoft Hygienic Prodiucts, Inc,. makers  ng nasabing gamit pambabae, dahil sa pagiging cool  at isang estudyante sa UP Diliman running siya rito for Cumlaude sa kursong  BA Broadcast Communication.

Ang theme kasi ngayon ng Sisters Sanitary Napkins and Partylines ay Sister’s School is Cool na ang target nilang buyer ay ‘yung mga babaeng estudyante.

Hindi lang si Myrtle ang bagong endorser ng Sisters Sanitary Napkins and Partyliners, pati na rin ang apat na members ng dance group na Hotlegs na sina Nesh, Labb, Cath and Alex. Kaya sila kinuha rito dahil lahat sila ay nagsipagtapos naman ng pag-aaral.

Bukod sa pagiging isang artista, TV host at cosplayer ay isa na ring recording artist  si Myrlte. Kamakailan nga lang ay ini-release ang unang album niya titled Now Playing Myrtle,nunderIvory Music.

Ayon sa dalaga, sobrang masaya siya na pinagkatiwalaan  ng nasabing recording company na ipag-produce ng album dahil noon pa ay dream niya na ang maging isang singer.

“Sumasali talaga ako noon sa mga singing contest pero lagi na lang akong second place,” sabi ni Myrle na natatawa nang makausap namin sa presscon ng Sisters Sanitary Napkins and Partyliners.

Magiging busy si Myrtleat at Hotlegs sa promo ng Sisters Sanitary Napkins and Partyliners.  Magkakaroon sila ng mall shows sa SM Dasma on August 6, SM Baguio on August 20 and SM Rosales Pangasinan on August 21.

Sa August 7 naman ay nasa Starmall Alabang sila.  Makakasama nila rito na magpe-perform ang Gimme 5 composed of Nash Aguas, Joaquin Reyes, John Bermundo, Brace Arquiza and Grae Fernandez.

MA at PA – Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …