TINAWAG ng Communist Party of the Philippines (CPP) na kapritsoso si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa paggiit na tapatan nila ang tigil-putukan idineklara bagama’t nilabag umano ng mga tropang gobyerno ang kanyang utos.
Sa kabila nito, nakahanda umano ang Communist Party of the Philippines (CPP) na magdeklara ng unilateral ceasefire sa gobyerno sa Agosto 20, ang unang araw nang pagpapatuloy ng pormal na usapang pangkapayapaan sa Norway.
“To further support peace negotiations, the CPP is willing to issue a unilateral ceasefire declaration separately but simultaneously with the Duterte government on August 20,” pahayag ng CPP kahapon.
Ito ay makaraan bawiin ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Sabado ang idineklarang unilateral ceasefire ng gobyerno bunsod nang pagkabigo ng CPP na tapatan ang tigil-putukan at ipaliwanag ang pananambang sa mga tropa ng gobyerno sa Davao Del Norte nitong nakaraang Martes.
Isinisi ng rebeldeng grupo sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pumalpak na ceasefire order ni Duterte.
“Over the course of five days that the Duterte ceasefire declaration was in effect, there was zero compliance on the part of the AFP. Its public expression of support for the ceasefire declaration was not reflected on the ground,” pahayag ng CPP.
Sinabi ng CPP, tumanggi silang mag-utos ng tigil-putukan sa kanilang armed wing, New People’s Army, habang ang operating troops ng gobyerno “showed no plans on letting up in their search-and-destroy operations and frenzied offensives that terrorize civilian communities.”
Iginiit nilang ang 72nd Infantry Brigade “provoked the NPA to carry out the Davao Del Norte ambush in order to defend itself.”
“The NPA unit carried out counter-maneuvers after armed operating troops of the AFP and its paramilitary forces launched themselves that morning and was about to make armed contact with the NPA unit,” pahayag ng CPP.
Idinagdag ng CPP, agad umatras ang NPA makaraan mapigilan ang mga sundalo sa kanilang opensiba.
“This shows that the concerned NPA unit was in full regard of GRP President Duterte’s ceasefire declaration and was fully aware and complied with orders of the NPA national command to stay on active defense,” ayon sa grupo.
“It is advisable for the GRP President to exercise a little more prudence and display more measured temperament as a way of appreciating the situation from a broader historical perspective in order to avoid such impulsive acts as imposing ultimatums by the hour on a conflict that has spanned nearly 50 years,” ayon sa CPP.
Sa kabila nito, sinabi ng CPP, mag-aanunsiyo sana sila ng sariling tigil-putukan nang biglang bawiin ng Malacañang ang idineklarang unilateral ceasefire.
Pahayag ng CPP, bagama’t nadesmaya sila na binawi ni Duterte ang ceasefire, kompiyansa silang hindi nito madidiskaril ang usapang pangkapayapaan.
“We trust that this will not affect preparations for formal resumption of peace negotiations scheduled for August 20-27 in Oslo, Norway, nor will it preclude the GRP President from reissuing such a declaration simultaneously with a similar unilateral declaration by the CPP and NPA on August 20,” pagtatapos ng CPP.
ni ROSE NOVENARIO