Monday , December 23 2024
Malacañan CPP NPA NDF

Ceasefire idedeklara ng CPP

080116_FRONT
IKINATUWA ng Palasyo ang pahayag ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison na nais nilang magdeklara ng tigil-putukan kung hindi lang binawi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang uniletaral ceasefire kamakalawa ng gabi.

Ani Dureza, ang naturang pasya ng kilusang komunista ay matagal nang hinihintay ng gobyerno at sumasang-ayon sa kahalagahan nang matatatag na aksiyon ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa kapayapaan.

“After President Duterte ordered last night the lifting of  the government’s unilateral ceasefire, the leadership of the CPP/NPA/NDF announced through the media its belated but still strategic and awaited decision to also declare its own unilateral ceasefire. Indeed, this is a welcome development. It affirms the value of the President’s firm actions for peace. This is what we have been waiting for,” ani Dureza.

Base aniya sa mga nasabing pangyayari ay magbibigay siya ng rekomendasyon kay Pangulong Duterte sa susunod na hakbang ng pamahalaan makaraan bawiin ang unilateral ceasefire ng gobyerno.

Inamin ni Dureza, ang pagbawi ni Pangulong Duterte sa unilateral ceasfire ay bunsod ng mga ‘nakababahalang’ mensahe mula sa Southern Mindanao Regional Command ng New People’s Army (NPA) na hindi naman tunay na umiiral ang unilateral ceasefire at sinasabotahe ito ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Minaliit din aniya ng liderato ng CPP ang mga pagsusumikap ni Pangulong Duterte nang sabihin na hindi niya maaaring diktahan ang mga rebolusyonaryo.

“In the meantime, disturbing messages from the ranks of the NPA were monitored. Its Southern Mindanao Regional Command claimed the government’s unilateral ceasefire was ‘non-existent’ as it also blamed the AFP as ‘sabotaging’ the ceasefire. Its leadership also belittled the efforts of the President, saying that he could not dictate on the revolutionaries,” sabi ni Dureza.

“By 7:00 pm,  knowing that an unanswered ceasefire declaration was not for the best interest of the nation,  the President then authorized the release of a statement declaring the lifting of the ceasefire,” paliwanag ni Dureza.

Malinaw aniya na ginawa ng pangulo ang lahat para sa kapayapaan at ipagpapatuloy niya ito sa ano mang pagkakataon.

“It is very clear that the President walked the extra mile for peace. And no doubt,  he will still continue to do so at any given opportunity,” dagdag niya.

Magsusumite ng rekomendasyon si Dureza kay Pangulong Duterte at sa buong gabinete na magpupulong ngayong hapon.

“I  will make my corresponding recommendations to the President and the whole cabinet tomorrow Monday during the scheduled cabinet meeting in the afternoon,” ani Dureza.

KAPRITSOSO SI DUTERTE

TINAWAG ng Communist Party of the Philippines  (CPP) na kapritsoso si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa paggiit na tapatan nila ang tigil-putukan idineklara  bagama’t nilabag umano ng mga tropang gobyerno ang kanyang utos.

Sa kabila nito, nakahanda umano ang Communist Party of the Philippines (CPP) na magdeklara ng unilateral ceasefire sa gobyerno sa Agosto 20, ang unang araw nang pagpapatuloy ng pormal na usapang pangkapayapaan sa Norway.

“To further support peace negotiations, the CPP is willing to issue a unilateral ceasefire declaration separately but simultaneously with the Duterte government on August 20,” pahayag ng CPP kahapon.

Ito ay makaraan bawiin ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Sabado ang idineklarang unilateral ceasefire ng gobyerno bunsod nang pagkabigo ng CPP na tapatan ang tigil-putukan at ipaliwanag ang pananambang sa mga tropa ng gobyerno sa Davao Del Norte nitong nakaraang Martes.

Isinisi ng rebeldeng grupo sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pumalpak na ceasefire order ni Duterte.

“Over the course of five days that the Duterte ceasefire declaration was in effect, there was zero compliance on the part of the AFP. Its public expression of support for the ceasefire declaration was not reflected on the ground,” pahayag ng CPP.

Sinabi ng CPP, tumanggi silang mag-utos ng tigil-putukan sa kanilang armed wing, New People’s Army, habang ang operating troops ng gobyerno “showed no plans on letting up in their search-and-destroy operations and frenzied offensives that terrorize civilian communities.”

Iginiit nilang ang 72nd Infantry Brigade “provoked the NPA to carry out the Davao Del Norte ambush in order to defend itself.”

“The NPA unit carried out counter-maneuvers after armed operating troops of the AFP and its paramilitary forces launched themselves that morning and was about to make armed contact with the NPA unit,” pahayag ng CPP.

Idinagdag ng CPP, agad umatras ang NPA makaraan mapigilan ang mga sundalo sa kanilang opensiba.

“This shows that the concerned NPA unit was in full regard of GRP President Duterte’s ceasefire declaration and was fully aware and complied with orders of the NPA national command to stay on active defense,” ayon sa grupo.

“It is advisable for the GRP President to exercise a little more prudence and display more measured temperament as a way of appreciating the situation from a broader historical perspective in order to avoid such impulsive acts as imposing ultimatums by the hour on a conflict that has spanned nearly 50 years,” ayon sa  CPP.

Sa kabila nito, sinabi ng CPP, mag-aanunsiyo sana sila ng sariling tigil-putukan nang biglang bawiin ng Malacañang ang idineklarang unilateral ceasefire.

Pahayag ng CPP, bagama’t nadesmaya sila na binawi ni Duterte ang ceasefire, kompiyansa silang hindi nito madidiskaril ang usapang pangkapayapaan.

“We trust that this will not affect preparations for formal resumption of peace negotiations scheduled for August 20-27 in Oslo, Norway, nor will it preclude the GRP President from reissuing such a declaration simultaneously with a similar unilateral declaration by the CPP and NPA on August 20,” pagtatapos ng CPP.

SOPO BINAWI NG PNP

070216 ronald bato dela rosa pnp
BINAWI na rin ng pambansang pulisya ang naunang idineklarang Suspension of Offensive Police Operations (SOPO) epektibo kahapon sa buong bansa.

Ito ay batay sa inilabas na memorandum ni PNP chief Director General Ronald Dela Rosa kasunod nang ginawang pagbawi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa idineklarang unilateral ceasefire sa CPP-NPA-NDF.

Sa memorandum ni PNP chief, nakapaloob ang katagang “immediately” na pagpabawi ng ceasefire ng pulisya sa buong bansa.

Pinatitiyak din ni Dela Rosa sa lahat ng PNP units nationwide na manatili sa high alert at ipagpatuloy ang kanilang trabaho lalo na ang pagtugis sa mga rebeldeng grupo na banta sa seguridad ng bansa.

Sisiguraduhin din ng PNP na kanilang poprotektahan ang taumbayan lalo sa mga lugar na nag-o-operate ang grupong NPA.

“All office/ units must be on high alert and continue to discharge their normal functions and mandate to neutralize all threats to national security, protect the citizenry, enforce the law and maintain peace in all areas of responsibility,” opisyal na pahayag ni PNP chief Dela Rosa.

AFP NASA HIGH ALERT

080116 AFP
NASA high alert ang buong puwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) makaraan bawiin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang idineklarang unilateral ceasefire laban sa CPP-NPA-NDF.

Ayon kay AFP chief of staff General Ricardo Visaya, bilang pagsunod sa kautusan ng commander-in-chief, magpapalabas sila ng angkop na patnubay para sa lahat ng AFP units.

Sinabi ni Visaya, kanya nang ipinag-utos sa lahat ng kanilang puwersa na ipagpatuloy ang kanilang mga misyon lalo sa neutralisasyon ng mga grupo at indibidwal na banta sa seguridad ng bansa.

Magpapatuloy rin ang kanilang operasyon laban sa New People’s Army (NPA).

Siniguro ni Visaya na gagawin ng militar ang lahat nang sa gayon ay mapanatili ang kapayapaan lalo sa mga lugar na aktibong nag-o-operate ang komunistang grupo.

Aniya, trabaho ng militar na protektahan ang bayan at sambayanan laban sa mga grupong naghahasik ng karahasan.

MASSIVE RESHUFFLE IPATUTUPAD NG PNP

071216 PNP DILG Napolcom police
INAMIN ng pamunuan ng pambansang pulisya na marami pang mga pulis ang mare-relieve sa kanilang puwesto.

Una rito, nasa 88 pulis na nakatalaga sa Quezon City Police District (QCPD) ang sinibak sa puwesto dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na droga.

Ayon kay PNP chiefm Director General Ronald Dela Rosa, kapag ang isang pulis ay nakulayan sa ilegal na droga, wala na siyang puwang na manatili sa pwesto.

Paliwanag ni Dela Rosa, kapag hindi niya tinanggal sa puwesto ang mga pulis na sangkot sa ilegal na droga ay hindi na maniniwala ang taongbayan.

Sinabi ng PNP chief, nais niyang ipakita sa publiko kung gaano kaseryoso ang PNP sa kanilang anti-illegal drug campaign.

Kinompirma ni Dela Rosa, may mga pulis pa na nakatalaga sa region 6, 7, 8 ang ide-deploy sa Cordillera region.

May mga pulis din na taga-Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ang nakatakdang ilipat sa bahagi ng northern Luzon.

Paglilinaw ni Dela Rosa, ang nasabing mga pulis na kabilang sa massive resuffle ay ‘nakulayan’ sa ilegal na droga.

Inihayag ni PNP chief, sa Rregion 3, nasa 100 pulis ang nakatakdang i-deploy sa iba pang mga lugar.

Tiniyak niya na lahat ng mga pulis na sangkot sa illegal na droga ay ide-deploy sa malalayong lugar.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *