NAG-LANDFALL ang sentro ng bagyong Carina dakong 1:20 pm kahapon sa bahagi ng Cabutunan point sa San Vicente, Lallo sa lalawigan ng Cagayan.
Sa abiso ng Pagasa, binabaybay ng bagyo ang bahagi ng Northern Cagayan.
Kaugnay nito, nakataas ang signal number 2 sa Isabela, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Apayao, Mt. Province, Ifugao, Kalinga, Abra at Cagayan kabilang din ang Babuyan Group of Islands.
Habang nasa ilalim ng signal number 1 ang mga lugar ng Batanes Group of Islands, Benguet, La Union, Nueva Vizcaya, Quirino, Pangasinan, Nueva Ecija at Aurora province.
Bago ang pag-landfall ng mata ng bagyo, ibinabala ng Pagasa ang malakas na buhos ng ulan sa loob ng 500 kilometer diameter ng bagyo.
Bahagyang lumakas ang hangin ni “Carina” o maximum sustained winds ng 95 kph malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 120 kph.
Kumikilos ito sa bilis na 20 kph sa direksiyon na northwest.
“Fisherfolk are alerted against rough to very rough seas over the northern and eastern seaboards of Luzon,” bahagi ng abiso ng Pagasa.