Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Video Karera loteng atbp sa Pasay City

Dragon LadyMATITIGAS ang bungo at walang kinatatakutan sa kabila ng mahigpit na utos ni Pasay City Mayor Tony Calixto sa pulisya ng lungsod na suyurin at walisin ang lahat ng ilegal na pasugalan, sakop ng nabanggit na siyudad.

***

Nabatid na may bendisyon ng ilang tiwaling barangay chairman sa lungsod ang malaganap na ilegal na pasugalan na nagiging mitsa ng kawalang interes ng mga kabataan sa kanilang pag-aaral at ginugugol ang oras at panahon sa mga video karera at ang baon sa eskuwela ay ipinangsusugal.

***

Ito ngayon ang malaking problema ng mga magulang sa lungsod ng Pasay. Biglang nagsulputan ang mga ilegal na video karera sa bawat barangay na isang alyas “Jojo” umano ang promotor at dahil umano sa pakiusap ng ilang residente para pandagdag pangkain.

Napilitan silang maglagay ng mga video karera. Busog nga ang tiyan ng pamilya ng pinaglagyan g video karera gutom naman ang nararanasan ng mga nagugumon dito.

***

KAMAKAILAN, pagkatapos ng  isinagawang Flag Ceremony sa harap ng city hall ng Pasay, nagsalita si Mayor Tony Calixto na ayaw niya ng mga ilegal na sugalan sa kanyang sakop na lugar dahil ang mga senior citizen umano ang nangungunang tutol sa mga ilegal na pasugalan na ngayon ay rampant sa lungsod.

***

Hindi batid ng alkalde na sa mahigpit na direktiba nito sa pagsugpo sa mga ilegal na sugal ay mistulang bulag at bingi ang pulisya, kaya mahigpit niya itong mino-monitor kung may mga pulis na nakikinabang dito. Sakaling malaman ng alkalde dapat umanong itapon sa labas ng siyudad.

MGA KOLORUM NA TODA

Ang lungsod ng Pasay ang pinakamarami na yatang terminal ng traysikel, bawat kanto ay may nakapila, ngunit ligtas ang mga kolorum na walang seguridad ang mga pasahero dahil bulag ang ahensiyang nakasasakop dito. Ano ang ginagawa ng kaibigang Ace diyan sa Tricycle Regulatory Board at hinahayaan na bumalandra sa lansangan ang mga kolorum na traysikel?! Paano na ang kaligtasan ng mga pasahero? Kadalasan ang mga kolorum ay angkas pa ang maliliit na anak, habang naka-backride ang mga misis. Sakaling makaaksidente, uunahin ba ng kolorum na drayber ang pasahero? A ang kanyang misis at anak na nakaangkas na iligtas? Siyempre family first ‘di po ba?

ISUMBONG MO KAY DRAGON LADY – Amor Virata

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …