BIKTIMA ng bashers sa social media si Alden Richards nang mga makikitid ang utak sa pagbisita niya at pagbati ng happy birthday kay Nay Cristy Fermin. May kinalaman siguro ito sa post niya sa Twitter na ”Don’t worry about other people’s opinions of you. God never told you to impress people, only to love them.”
Pati ang kabaitan ni Alden ay pinagdududahan ng mga madidiwara.
Tweet din niya ang quote ni Mother Teresa: ”If you’re kind and people may accuse you of ulterior motives… Be kind anyway.”
Anyway, hiningan ng opinion si Alden sa post sa blog ni Maine Mendoza na hindi niya kailangang i-please ang lahat ng tao. At siyempre, ang basa ng karamihan ay hindi rin niya kailangang pakisamahan ang entertainment press.
Sey ni Alden, irespeto na lang kung anuman ang opinyon ni Maine dahil hindi naman ito taga-showbiz.
Anyway, mukhang hindi na talaga matutuloy ang pagsasama nina Alden at Jennylyn Mercado sa isang teleserye dahil may tsikang nagpapa-audition na umano ng magiging leading man ni Jen sa gagawin niyang bagong teleserye.
Ang sabi kasi ni Alden ay may plano na ang creative team at management nila ni Maine tungkol sa gagawin nilang teleserye. Hindi lang siya makapagbigay ng detalye.
Nai-share rin niya sa press na nag-celebrate sila ni Maine sa Spiral resto sa Sofitel after noong anniversary ng AlDub loveteam. Doon laging dinadala ni Alden si Maine dahil ‘yun ang safe zone nila.
Tinatapos ngayon ng Pambansang Bae ang kanyang second album sa GMA Records pagkatapos ng 7X Platinum niya sa Wish I May album.
TALBOG – Roldan Castro