MAGANDANG balita sa mga guro. Isusunod na ni Pangulong Rodrgigo Duterte ang pagbibigay ng umento sa sahod sa mga guro.
“Ito, itong increase of salaries, ang sunod ko mga teachers,” aniya sa situation briefing sa mga sundalo sa Camp Guillermo Nakar, Lucena City, Quezon kamakalawa
Ayon sa pangulo, ibibigay niya ang salary increase sa mga guro oras na maayos na ang umento ng sahod ng mga pulis at sundalo.
Gayonman, hindi na tinukoy ng Pangulo kung kailan ito maisasakatuparan at kung magkano ang itataas na suweldo ng mga guro.
Bukod sa mga pulis at sundalo, nakapila na rin ang umento ng sahod sa mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA),National Bureau of Investigation (NBI) at iba pang law enforcement agencies.
( ROSE NOVENARIO )