Monday , December 23 2024

Sariling ceasefire nilabag, AFP doble kara — NPA (Ultimatum ni Digong ngayon)

073016_FRONT

NAPIGILAN ng mandirigma ng Comval North Davao South Agusan Sub-Regional Command ng New People’s Army sa Southern Mindanao ang opensibang militar ng Civilian Auxilliary Force Geographical Unit (CAFGU) ng 72nd Infantry Battalion at armadong Alamara paramilitary troops at isinagawa ang pananambang na ikinamatay ng isang miyembro ng Alamara na si Panggong Bukad, at nasugatan ang apat iba pa sa Bagnakan, Sitio Muling, Brgy. Gupitan, Kapalong, Davao del Norte noong Hulyo 27.

Ito ang inihayag kahapon ni Aris Francisco, spokesperson ng Comval North Davao South Agusan Subregional Command ng NPA.

Ang nasabing ambush ay pagsunod sa direktiba ng NPA National Operations Command para sa kanilang mandirigma na panatilihin ang alert status at manatiling nakadepensa bilang tugon sa idineklarang unilateral ceasefie ni Pangulong Rodrigo Duterte sa National Democratic Front, NPA at Communist Party of the Philippines sa ginanap na State of the Nation Address noong Hulyo 25.

Ayon sa grupo, nilinlang ng pasistang AFP ang kanilang sariling Commander-in-Chief sa pagsasabing nilabag ng NPA ang unilateral ceasefire nang harangin nila ang PDOP (Peace & Development Outreach Program) troops habang pabalik na sa kanilang detachment sa Sitio Patil, Brgy. Gupitan. Wala anilang katotohanan ito.

“The AFP and the Alamara have been on active operation in Kapalong, resulting in several engagements including its July 5 ambush that wounded one Red fighter. Determined to continue its offensive military operations in Kapalong, the same troops ignored the ceasefire declaration of their Commander In Chief and again took off for combat operation from their detachment in Brgy. Patil on July 26,” ayon kay Francisco.

Aniya, natunugan ng mga gerilya ang pagkilos ng militar at paramilitary na target ang NPA, 20 kilometro ang layo mula sa kanilang detachment.

Kung hindi aniya nakadepensa ang NPA fighters sa pamamagitan ng pag-intercept sa 72nd IB/Alamara troops, naisagawa sana ng operating AFP troops ang kanilang opensiba at nalagasan ang NPA unit.

“In twisting the facts presented to their commander-in-chief, the AFP is leaving out the glaring truth that the its troops were clearly on combat operation and not engaged in “civilian” activities, in direct violation to GRP Pres. Duterte’s ceasefire order.”

“GPH Pres. Duterte, having acted as mediator on several occasions in the past regarding  the abu-ses perpetrated by the Alamara against the Lumads in Kapalong, knows well how the AFP employs the paramilitary Alamara in its counter-revolutionary and anti-people campaign. This is the same fanatical armed group that killed several of their own Lumad kin, harassed and threatened hundreds of civilians and continue to displace Lumads from their livelihood and communities. The Lumads, who since late last year have evacuated to Davao City, are still in fear of returning to their homes and communities because of the presence of AFP troops and the Alamara,” aniya pa.

Binigyang-diin ni Francisco, tumutupad ang NPA sa kasunduan para sa kapakanan nang pagpapatuloy ng usapang  pangkapayapaan  upang matugunan ang ugat ng civil war, inirerespeto ang tigil-putukan na iniutos ni Pangulong Duterte, at mahigpit na sumusunod sa direktiba ng national leadership at ng CPP.

“It is the militarist clique in the AFP and its paramilitaries like the Alamara that ridicule their Commander In Chief in virulently sabotaging the peace process,” pagtatapos ni Francisco.

Samantala, muling pinalawig ni Pangulong Rodrigo Duterte hanggang ngayong alas-singko ng hapon ang ultimatum sa Communist Party of  the Philippines –New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) para magpaliwanag kaugnay sa pananambang sa convoy ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) militiamen sa Davao del Norte.

Ito ang kinompirma ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza makaraan bumisita si Pangulong Duterte sa burol nang namatay militiaman sa nasabing ambush at magpunta sa 60th IB headquarters sa Asuncion, Davao del Norte kahapon.

Una nang inihayag ni Pangulong Duterte kamakalawa na ang deadline o palugit sa komunista ay hanggang hatinggabi kahapon at kung mabigo ang rebeldeng grupong magpaliwanag ay babawiin niya ang idineklarang unilateral ceasefire.

Iginiit ni Duterte, nais niyang parusahan o panagutin ng liderato ng NPA ang  mga  responsable sa ambush gaya nang ginagawa ng militar sa nagkasala nilang mga tauhan.

( ROSE NOVENARIO )

Hamon ng Palasyo sa CPP-NPA
OPERASYON NG NPA PIGILIN

HINAMON ng Palasyo ang kakayahan ng matataas na pinuno ng Communist Party of the Philippines- National Democrrtic Front (CPP-NDF) na nakabase sa Utrecht, The Netherlands sa pagkontrol sa operasyon New People’s Army (NPA) makaraan ang pananambang ng mga rebelde sa apat na militiamen sa Davao del Norte.

“That’s what we are assuming and that’s what President Duterte is challenging,” tugon ni Presidential Spokesman Ernesto Abella hinggil sa katiyakan ng NDF sa administrasyong Duterte sa pagkontrol sa NPA.

Sinabi ni Abella, hinihintay ni Pangulong Duterte ang ipinangako ng NDF na resulta ng kanilang imbestigasyon sa pag-ambush ng NPA sa convoy ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) na ikinamatay ng isa at ikinasugat ng tatlong militiamen sa Davao del Norte nitong Miyerkoles.

“Well, lets put it this way. The President is very rational person and he will do what needs to be done,” sabi ni Abella.

Tiniyak aniya ni NDF panel member Fidel Agcaoili nang komprontahin ni government peace panel chairman Silvestre Bello hinggil sa insidente, na ang pagkakaalam niya’y nasa active defense mode ang NPA mula noong Hulyo 26 batay sa pahayag ni Jorge Madlos o Ka Oris Spokesperson ng NPA National Operational Command.

Kamakalawa, binigyan ng ultimatum ni Pangulong Duterte ang CPP-NDF na babawiin ang idineklarang unilateral ceasefire kapag hindi nagpaliwanag hanggang Huwebes ng gabi kaugnay sa pag-ambush sa militiamen.

Sakaling lumarga ang peace process alinsunod sa ‘Roadmap to peace’ ng administrasyong Duterte, posibleng paalisin na ang tropang militar sa mga lugar na impluwensiyado ng NPA.

“If things work out as planned. If things work out according to plan then there will be a reciprocal response from the president and from the government,” ani Abella sa hirit na military troops pullout ni CPP founding chairman Jose Ma. Sison.

Sa ngayon aniya ay kailangan patunayan ng rebeldeng grupo na sinsero sila na maselyohan ang usaping pangkapayapaan.

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *