Friday , November 15 2024
Malacañan CPP NPA NDF

Operasyon ng NPA pigilin (Hamon ng Palasyo sa CPP-NPA)

HINAMON ng Palasyo ang kakayahan ng matataas na pinuno ng Communist Party of the Philippines- National Democrrtic Front (CPP-NDF) na nakabase sa Utrecht, The Netherlands sa pagkontrol sa operasyon New People’s Army (NPA) makaraan ang pananambang ng mga rebelde sa apat na militiamen sa Davao del Norte.

“That’s what we are assuming and that’s what President Duterte is challenging,” tugon ni Presidential Spokesman Ernesto Abella hinggil sa katiyakan ng NDF sa administrasyong Duterte sa pagkontrol sa NPA.

Sinabi ni Abella, hinihintay ni Pangulong Duterte ang ipinangako ng NDF na resulta ng kanilang imbestigasyon sa pag-ambush ng NPA sa convoy ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) na ikinamatay ng isa at ikinasugat ng tatlong militiamen sa Davao del Norte nitong Miyerkoles.

“Well, lets put it this way. The President is very rational person and he will do what needs to be done,” sabi ni Abella.

Tiniyak aniya ni NDF panel member Fidel Agcaoili nang komprontahin ni government peace panel chairman Silvestre Bello hinggil sa insidente, na ang pagkakaalam niya’y nasa active defense mode ang NPA mula noong Hulyo 26 batay sa pahayag ni Jorge Madlos o Ka Oris Spokesperson ng NPA National Operational Command.

Kamakalawa, binigyan ng ultimatum ni Pangulong Duterte ang CPP-NDF na babawiin ang idineklarang unilateral ceasefire kapag hindi nagpaliwanag hanggang Huwebes ng gabi kaugnay sa pag-ambush sa militiamen.

Sakaling lumarga ang peace process alinsunod sa ‘Roadmap to peace’ ng administrasyong Duterte, posibleng paalisin na ang tropang militar sa mga lugar na impluwensiyado ng NPA.

“If things work out as planned. If things work out according to plan then there will be a reciprocal response from the president and from the government,” ani Abella sa hirit na military troops pullout ni CPP founding chairman Jose Ma. Sison.

Sa ngayon aniya ay kailangan patunayan ng rebeldeng grupo na sinsero sila na maselyohan ang usaping pangkapayapaan.

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *