SA TV man o online, mas pinagkatiwalaan ng mas maraming Filipino ang komprehensibo at malawakang pagbabalita ng ABS-CBN sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong July 25.
Ayon sa datos mula sa Kantar Media, nakakuha ng 21.5% national TV rating ang Pangako ng Pagbabago: SONA 2016 special coverage ng pinakamalaking news organization sa bansa.
Ang flagship newscast ng ABS-CBN na TV Patrol, na palaging nasa Top 5 highest rating daily programs, ay nanguna rin sa rating na 32.2% .
Bilang patunay sa patuloy na paglawak ng impluwensiya ng kompanya lalo na sa digital, pinakamaraming views din ang live na pagpapalabas ng SONA sa Facebook ng ABS-CBN News na nakapagtala ng 1.7 million views, higit sa 1.1 million ng PTV4, 632, 000 ng Rappler, at 510, 000 ng GMA.
Samantala, 7.6 million pageviews naman ang website ng ABS-CBN News na news.abs-cbn.com noong Hulyo 25. Ang mga video naman patungkol sa SONA ay umani ng 1.4 million views sa YouTube, na higit 200,000 rin ang nanood ng kabuuan ng SONA.
TALBOG – Roldan Castro