MISTULANG “guilty” si dating Justice Secretary at ngayon Sen. Leila de Lima sa ibinabato sa kanya na mga alegasyon tungkol sa paglaganap ng ilegal na droga sa New Bilibid Prisons (NBP) noong nasa ilalim pa ito ng kanyang pamumuno.
Ito ang pahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez kasunod sa naging statement ng senadora na kailangan muna mag-research ng kongresista kaugnay sa kung ano ang mga nagawa niya laban sa droga sa loob ng NBP.
Dagdag ni Alvarez, malinaw na malaki pa rin ang problema sa ilegal na droga sa loob ng Bilibid kaya hindi na aniya kailangan pa ng kung ano mang pagsasaliksik.
Magugunitang bago pa man naluklok si Alvarez bilang House Speaker ay iminungkahi na niya ang pag-imbestiga kay De Lima.
Ito ay dahil aniya sa posibleng pagkakasangkot din ng senadora sa ilegal na droga nang msa suspected drug lord na si Herbert Colangco.