INIHAIN na sa Kongreso ang panukalang “Traffic Crisis Act,” magbibigay ng solusyon sa problema ng trapiko sa bansa.
Sinabi ni Speaker of the House Pantaleon Alvarez, ang House Bill No. 3 ay naglalayong bigyan ng emergency powers si Pangulong Rodrigo Duterte ng dalawang taon para sa pagresolba ng road at air traffic congestion sa Metro Manila at Cebu province.
Napapaloob sa nasabing panukala ang pag-reorganize, pag-merge o pag-abolish sa Department of Transportation, Land Transportation Office, Land Transportation Franchising and Regulatory Board, Metro Manila Development Authority, Toll Regulatory Board, Civil Aviation Board at Civil Aviation Authority of the Philippines.
Umaasa siyang sa nasabing panukala ay tuluyan nang maresolba ang problema sa pagsisikip ng trapiko sa bansa.
Nitong nakalipas na SONA, umapela si Pangulong Duterte na mabigyan siya ng Kongreso ng emergency powers.