Friday , November 15 2024

QCPD agad tumugon sa SONA ni DU30

TRIPLEHIN ang giyera laban sa droga!

Iyan ang mahigpit na kautusan ni Pangulong Digong kay PNP chief  Director General Ronald “Bato” Dela Rosa, nang magtalumpati sa kanyang kauna-unahang SONA nitong Lunes, Hulyo 25, 2016.

Pero bago ang kautusan, nakita naman natin mga kababayan ang positibong mga resulta ng paunang kautusan laban sa droga – marami nang drug pusher ang naaresto, libo-libong users ang sumuko, may mga shabu lab na natuklasan na nagresulta rin sa pag-aresto ng mga nagpapatakbo, kabilang na rito ang mga dayuhan; at higit sa lahat marami na rin pushers ang napatay makaraang manlaban sa pulisya.

Katunayan, pinatunayan na ang kampanya laban sa droga ay walang pinipili. Kahit mga pulis na sangkot sa droga ay napatay o di kaya naaresto.

Ibig sabihin, ang unang direktiba ni PDigong kay Dela Rosa na siya namang nagbaba ng kautusan sa  regional directors, provincial directors, district directors pababa sa station commander ay pasado kay Pangulong Digong ngunit kinakailangan pang paigtingin dahil marami pa rin ang hindi nadadala at patuloy sa pagkakalat ng droga.

Ano pa man, hindi pa uminit ang kautusan ni Pangulong Digong na triplehin ang kampanya laban sa droga, ang Quezon City Police District (QCPD) ay agad tumugon batay na rin siyempre sa kautusan naman ni NCRPO director Chief Supt. Oscar Albayalde.

Masunuring sinunod agad ng QCPD na pinamumunuan ni S/Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar bilang director ang pinaigting kampanya – ipinakita ni Eleazar sa taong bayan na ang kampanya ay walang pinipili – lahat ay sasagasaan.

Sa pamamagitan ng direktiba ni Eleazar sa kanyang mga opisyal at tauhan sa District Special Operation Unit; QC Hall Police Detachment, at QC Criminal Investigation Group, ikinasa ang buy-bust operation laban sa isang “ninja cop” na nakatalaga sa QCPD District Anti-Illegal Drugs (DAID).

Hindi lang isang masasabing tauhan ang “ninja cop” kundi isang opisyal pa at madalas na nagiging team leader sa tuwing nagsasagawa ng operasyon ang DAID.

Pero ang team leader ay lumalabas na isa raw “ninja cop.” Ang ninja cop ay mga pulis na nagbebenta ng shabu mula sa mga shabu na kanilang nakumpiska.

Binabawasan nila ang kanilang nakompiskang ebidensiya at saka ibagsak din sa mga tulak.

Oo, 12-oras pa lamang ang nakalilipas matapos  magsalita sa SONA si Pangulong Digong, nagkaroon agad ng resulta ang pinaigting niyang kampanya laban sa droga.

Sa pangunguna ni Supt. Roghart Campo, DSOU chief, batay sa kautusan ni Eleazar, natutukan ang sinasabing pagiging ninja cop ni S/Insp. Ramon Castillo. Nawakasan ito makaraang mapatay matapos  manlaban si Castillo sa tropa ng DSOU; City Hall Detachment na pinamumunuan naman ni Chief  Insp. Rolando Lorenzo; at CIDG.

Ayon kay Eleazar, nang maupo siyang director ng QCPD may mga impormasyon nang nakarating sa kanya hinggil sa ilang natitirang ninja cop sa DAID kaya, may pronouncement na siya sa kanyang mga opisyal at tauhan laban sa maling gawain na may kinalaman sa droga.

Pero kung suriin, mukhang ang pronouncement o babala ni Eleazar ay binalewala ng ilang pulis-QC kaya, ano ang naging resulta?

Isang buy bust operation ang ikinasa laban kay Castillo nitong Martes, Hulyo 26, 2016 dakong 3:45 am.

Sa operasyon sa Dahlia St., Brgy. Greater Fairview, QC, tinangka munang tumakas ni Castillo nang matunugan niyang tropa ng pulisya ang kanyang katransaksiyon.

Sakay ng kanyang Toyota Innova, tinangkang tumakas ni Castillo pero inabutan siya sa tapat ng isang supermarket at pinaputukan ang mga operatiba sa halip na sumuko.

Dahil dito, napilitang gumanti ang tropa ni Campo na nagresulta sa pagkamatay ni Castillo at pagkakompiska ng 200 gramong shabu.

Sa operasyong ito, pinatunayan lamang ni Eleazar o ng QCPD na lahat ay tablado pagdating sa mga ilegal na aktibidad lalo na kapag sangkot sa droga.

Muli sa inyong S/Supt. Eleazar, Supt. Campo. C/Insp. Lorenzo at sa QC CIDG, tunay kayong tapat sa tungkulin!

Saludo ang bayan sa inyo.

AKSYON AGAD – Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *