Friday , November 15 2024

Pumatay sa siklista sa Quiapo, susuko na

NAGPAHAYAG nang kagustuhang sumuko sa Manila Police District (MPD) ang driver ng kotse na bumaril at nakapatay sa naka-alitang siklista sa Quiapo, Manila nitong Lunes.

Ayon kay MPD Director chief Supt. Joel Coronel, nakatanggap sila ng impormasyon na nakahandang magpaliwanag ang driver ukol sa kanyang pagbaril sa bicycle rider na si Mark Vincent Geralde sa P. Casal Street kahapon.

Una rito, nagpunta sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) Anti Organized and Transnational Crime Division (AOTCD) ang isang Nestor Punzalan makaraan siyang idawit ng ilang Facebook post sa pamamaril.

Giit ni Punzalan, mali ang kumakalat na plate number ng sasakyan na sangkot sa krimen.

Hindi rin daw siya ang lalaking nakuhaan sa CCTV na bumaril sa biktima.

Dagdag niya, pumunta lamang siya sa tanggapan ng NBI para linisin ang kanyang pangalan.

About hataw tabloid

Check Also

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *