SA larangan ng propesyonalismo, walang malakas na padrino.
Here’s a case of an actor na walang nagawa ang koneksiyon ng magulang sa isang TV producer. Ang siste, nakarating sa produ na nagrereklamo ang aktor na kesyo hindi niya kinakaya ang work schedule sa umaga kung kailan umeere ang kinabibilangang programa.
Katwiran ng reklamador na aktor, may nilalagare rin daw kasi siyang taping. At dahil puyatan sa pinanggagalingan pang taping, kung maaari raw ay huwag na siyang isalang sa isang segment sa umaga.
Nakarating ang reklamong ito sa produ na nagdayalog daw na, ”Ah, ganoon ba? Eh, ‘di alisin na lang natin siya, nahihirapan pala siya, eh!”
Entonces, hindi na pinag-report ang aktor sa programa. ‘Yun ay sa kabila ng katotohanang malakas pa naman ang magulang nito sa produ.
Da who ang actor na nawalan tuloy ng trabaho? Itago na lang natin siya sa alyas na Peewee del Mar.
( Ronnie Carrasco III )