Saturday , May 17 2025

5 presidente dumalo sa NSC meeting (Aquino inisnab si GMA)

DUMALO ang lahat na dating pangulo ng bansa sa ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kauna-unahang National Security Council (NSC) meeting kahapon.

Kabilang dito sina dating Pangulong Fidel Ramos, Joseph Estrada, Gloria Arroyo at Benigno Aquino III.

Layunin ng multipartisan dialogue sa NSC na magkaroon ng consensus sa gagawing polisiya at estratehiya sa pagtugon sa mahahalagang national concerns partikular ang ruling ng Permanent Court of Arbitration sa West Philippine Sea.

Ang NSC ay isang collegial body na chairman ang nakaupong Pangulo kasama bilang miyembro ang mga dating presidente ng bansa, mga kinatawan mula sa executive at legislative branches ng gobyerno, Vice President Leni Robredo, Senate President Koko Pimentel, House Speaker Pantaleon Alvarez, majority at minority leaders ng Senado at Kamara, chairperson ng mga Senate at House Committees na sangkot sa national security concerns at iba pang miyembro ng Gabinete.

Sa unang pag-convene ng NSC sa Duterte administration, ihaharap sa Council ang overview ng ‘Road Map for Peace and Development’ sa pamamagitan ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza, gayondin ang update sa kampanya laban sa illegal drugs sa pamamagitan ng PDEA director general.

AQUINO INISNAB SI GMA

INISNAB ni dating Pangulong Benigno Aquino III si former President at ngayo’y Pampanga 2nd District Rep. Gloria Macapagal-Arroyo nang magkaharap sila sa National Security Council (NSC) meeting sa Palasyo kahapon.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay muling nagkasama-sama ang mga naging Pangulo ng Filipinas sa ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacanang.

Tanging si Aquino lang ang hindi kumamay kay Arroyo samantala sina dating Pres. Fidel Ramos at Joseph Estrada ay kinamayan ang kongresista.

Nakangiti lang si Arroyo nang deadmahin siya ni Aquino, base sa video footage ng PTV4.

Nang magsimula na ang NSC meeting dakong 3:00 pm, sa magkakasunod na upuan magkakatabi sina Arroyo, Ramos, Estrada at Aquino.

About hataw tabloid

Check Also

Ahtisa Manalo

Ahtisa nakakuha ng 7k votes sa Quezon (Kahit nag-withdraw na)

MATABILni John Fontanilla BAGAMAT nag-withdraw sa kanyang kandidatura bilang konsehal sa Candelaria, Quezon ang Miss …

Zia Alonto Adiong Leila de Lima Chel Diokno Sara Duterte

Sa House prosecution panel
De Lima, Diokno lalong magpapalakas sa kaso vs VP Duterte – Chairman Adiong

KOMPIYANSA si House Ad Hoc Committee on Marawi Rehabilitation and Victims Compensation Chairman Zia Alonto …

COMELEC Vote Election

Partylist at ilang grupo nanawagan ng malawakang imbestigasyon sa halalan, at sa Miru Systems

NANAWAGAN ang ilang concerned citizens at partylist na magsagawa ang Malacañang ng isang malawakang imbestigasyon  …

VMX Karen Lopez

Missing Vivamax star lumutang na, nagpaliwanag sa socmed account

SA ANUNSIYO ng Quezon City Police District (QCPD) na kanilang iimbestigahan ang sinasabing pagkawala ng …

Guide Gabayan 2025 Isang Makabuluhang Paglalakbay para sa 55 Espesyal na Bata ng Itogon

Gabayan 2025: Isang Makabuluhang Paglalakbay para sa 55 Espesyal na Bata ng Itogon

Itogon, Benguet — Isang makulay at makabuluhang kabanata ang isinulat ng Gabayan 2025, ang taunang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *